Linggo, Hulyo 19, 2015

JUAN TAMAD



Si Juan ay binansagang isang batang "Tamad" dahil literal niya itong ugali.

Nagsimula ito noong pinatinda siya ng mga puto ng kaniyang Ina, napakainit ng panahon na iyon at ramdam na ramdam ito ni Juan. Tinikman niya ang mga puto at maya-maya ay may nakita siyang mga palaka, at sa awa ay binigyan niya rin ang mga ito.
Sumunod, ay pinagtinda naman siya ulit ng kanyang Ina ng mga palayok sa Palengke. Antok na antok siya sa panahong ito, at sa paglalakad ay hindi niya napansin ang nakabisekletang si Maria na binansagang Masipag, nagkabungguan silang dalawa na naging sanhi ng pagkabasag ng dalang mga palayok ni Juan. Upang hindi ito masayang dinikdik na lamang niya ang mga ito at ibinalot para maging gamot sa kati-kati. Ngunit sa inaasahan ay pinagalitan parin siya ng kaniyang Ina.
Makatapos nito, ay panabili naman siya ng asin. Ngunit nais ni Juan na lumangoy sa tubig kaya pagkabili ay agad siyang pumunta sa dagat, at para hindi mawala ang kaniyang asin na dala, ay ibinaon niya ito sa buhangin ngunit ito ay natunaw sanhi nang maabot ito ng tubig. Pero inakala ni Juan na ninakaw ang mga ito- dahilang binigay niya sa kaniyang inang galit muli sa nangyari.
Sumunod naman ay bago siya nanligaw kay Mariang Masipag ay pinabili muli siya ng kaniyang Ina ng alimango. Sa katamaran niyang umuwi, ay pinauwi niyang mag-isa ang mga alimango. Laking pagtataka naman ng makauwi siya dahil wala pa ang mga alimango at inisip pa niyang napabarkada ang mga ito.
Sa kabila ng katamaran ni Juan, ay napili parin niyang ipagluto ang kaniyang Ina dahil ayaw niyang mawala ito. At ito ang bunga ng pagmamahal.

Kinilala siyang "Juan Tamad" dahil wala siyang katulad sa katamaran. Pero nagbago rin siya dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang Ina- bilang "Ang pagmamahal ang nakapagpapabago sa tao."- At nagpakasal siya kay Mariang Masipag. Sa pagbabago ng kaniyang ugali ay nagbago na rin ang kataga sa kaniya, mula sa "Juan Tamad" kinilala na siyang "Juan Tama".

Reaksyon:


Sa aking panonood naintindihan ko kung bakit siya tinawag na Juan Tamad, dahil ito sa ugali niya- Ang katamaran. Ang dami kong napulot na aral dito, tulad ng "walang kapantay ang pagmamahal ng ina sa kaniyang anak" dahil kahit na anong mga maling bagay ang ginawa ni Juan sa kaniyang Ina ay hindi parin siya ipinagtabuyan nito bagkus ay minahal at tinanggap parin niya si Juan, nagagalit man siya minsan ay dahil gusto niyang matuto si Juan sa mga maling ginagawa niya at hindi para ipahiya siya o kung ano man- dito ko naiisip ang aking mga magulang na kahit ano ay ginagawa nila para sa aming magkakapatid dahil sa pagmamahal nila sa amin. Napagtanto ko rin sa palabas na ito totoong wala akong mararating kapag lagi kong ipinaiiral ang katamaran, at hindi maganda na ugaliin ito, lalo pa nang banggitin dito na: "Walang napapala ang walang ginagawa". Napakaganda ng palabas dahil ang dami kong natutunan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento