Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 4, 2015

SANAYSAY KO PARA SA'YO

Bawat isa sa atin ay hindi perpekto, may mga tao pa ring madalas magkamali sa pagsasalita o pagsusulat man na paraan. Dalawa kasi ang uri ng katangian ng bawat tao: maingay at tahimik.

Madalas sa mga maiingay ay puro salita, maganda rin ito dahil direkta mong nasasabi ang iyong opinyon sa isang paksa kasama ang iyong emosyon sa pamamagitan ng iyong mga ekspresyon. At agaran mo rin naman nalalaman ang opinyon ng iyong kausap.

Karaniwan naman sa mga tahimik ay hindi nagsasalita. Kaya napakahalaga ng sanaysay sa kanila. Dito kasi madalas ang gawi nila upang makapagpahayag ng saloobin o opinyon sa isang bagay. Sa pamamaraang ito ay marahil nakapagpapagaan ng kanilang kalooban. Sa kabilang dako, may mga tao rin namang mas mahilig magbasa kaysa makinig. Ang pagsulat din ng sanaysay ay isa sa mabilis na paraan upang mas maraming tao ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong pinapaksa. Katulad dito sa Social Media sites ay ilang pindot lang sa keyboard at isang click ng 'post' marami ng makababasa na mas maganda kung ikukumpara sa pasalita. Hindi mo rin naman siguro gugustuhing isa-isahin ang bawat tao upang pahayagan lamang ng iyong opinyon. Wala namang pangit na nagagawang sanasay ang bawat susmusulat nito. Kaya marahil ay natin bigyan-halaga o pagrespeto ang baawat isa sa kanila. Tayo ay hindi perpekto. Nagkakamali man minsan, hindi rin naman nila ito kagustuhan. Sa bawat typographical errors, wrong spellings atbp. ay hindi naman siguro sapat na dahilan upang tumigil na sa pagsusulat dahil minsan ay dala lang ito ng 'di magandang pagkakataon.

Kaya ngayon, gumawa ka na ng sanaysay at babasahin ko. Ngunit sa pamamaraang man ito o pasalita ay mabuti na rin ang maging maingat sa pagbibigay ng kuro-kuro. Lagi mong tatandaan na dapat ay wala kang natatapakan na tao.

KULANG SA PANSIN

Bilang bahagi ng lipunan, Sapat na nga ba ang karapatang natatamasa ng kababaihan? Kung sa iyo ko ibabato ang tanong na ito, paano mo sasaluhin at bibigyang reaksyion?

Para sa akin, sapat na ang mga karapatang natatamasa ng mga kababaihan sa kasalukuyan lalo na't kung ikukumpara sa nakaraan, dahil sa aking nakikita'y nakakaya ng makipagsabayan ng mga babae sa kalalakihan sa iba't-ibang bagay. May mga pagkakataon pa ngang mas nangingibabaw sila (mga babae), tulad na lamang ng isa sa mga naging lider ng ating bansa na si dating Pangulong Cory Aquino- indikasyon lamang ito na nakakaya rin ng mga babae kung ano ang nakakaya ng mga lalaki, at nagagawa na rin ng mga babae ang mga nais nila.

Ngunit sa kabilang banda, hindi lang nagmumukhang sapat ang kanilang karapatan dahil sa kawalan ng kalayaang kanilang pinagdaraanan. Dahil ayon sa aking nakikita, may mga babaeng  pa ring nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang mga asawa, may mga pagkakataon namang paghihigpit ng kanilang mga kinakasama base sa kulturang katutubo. At ang mga ito ay nagsasanhi ng kawawalan nila ng kalayaang maranasan ang kanilang mga karapatan.

Sa paglalahat, hindi karapatan ang nawawala kundi kalayaan ng mga kababaihan upang matamasa ito.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

BANGUNGOT NG NAKARAAN

Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.

Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Bansa: KOREA, Ako: KOREANA

ANG POST NA ITO AY RATED SPG

Huwag seryosohin, mga personal na layunin
Mainggit 'wag na rin, sa gandang akin
Ngipin ay toothbrush-in upang hindi tartarin
I-enjoy na lang natin kalokohang binigyang-turing
Ako'y natatawa sapagkat nakangiti ka
Tila ba nababaliw ka na?
Hahahahahahahahahahahahahahaha
Halina't simulan na
Lahi ko ay Koreana
heto na talaga... (Hahahaha)



Isa ang Korea sa mga namamayagpag na bansa sa bawat sulok ng mundo sa kasalukuyan, dahil sa pagiging bihasa nila sa larangan ng pagkanta, sayaw, drama at marami pang iba. At narito ang 10 bagay na una kong gagawin kapag nakatungo na ako sa Korea:




1. Vampire mode-  walang tulugan, siyempre para maienjoy ng lubos ang bawat araw at gabi, ugh. Minsan na yan, matutulog ka pa ba?

2. Gagawin yung sa "The Selfie Song"- para may remembrance syempre, at para na rin mainggit ko ang mga kaibigan kong naiwan dito sa Pilipinas. Haha (sa BOXES at POLYGON BABIES)

3. Forever Gala, haha!- alam ko namang sandali lang ang panahong lalagiin ko doon. Malay mo isang linggo lang yan, magpapahinga ka pa.

4. Ibebenta ang sarili (literal? haha)- kailangan ng landi para makahanap ng poging Koreanong fafang mayaman, mabawi ko man lang yung pamasaheng gagastusin sa papunta at pabalik. Be wise, We only live once! Hahahahahahahahaha

5. Trip sa Seoul- syempre dahil nandoon na nga ako at gusto ko rin namang malaman pa ng mas malawig ang kanilang tradisyon, kultura, at ibat-iba pang produkto ng bansa nila.

6. Artista hunting- so heto na nga, isa ito sa mga pinakagusto kong gawin ang mang-hunting ng mga Korean artists. Sila naman ang pupuntahan ko sa pagkakataong ito! Hahahaha tapos magpapa-picture ako at ia-upload ko sa FB, Ig, at Twitter ko kaya i-follow niyo na ako, nasa taas naman ang aking mga usernames. Hihihi

7.-10. Ano kaya?- sa buhay may mga pagkakataong hindi talaga natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tanggapin na lamang natin ito, at huwag masyadong umasa sa mga bagay na ating inaasam sapagkat masasaktan ka lang! Dahil kung ano pa ang mga ito ay siya pang hindi nagaganap.


Ang saya lamang ng aking pakiramdam habang ginagawa ko ang paskil na ito, iniisip ko na talaga na nangyayari na, at kung ano ang hitsura ko sa mga pagkakataong ibinigay ko. Hahahahahahaha pero sa kabila nito ay tila isang panaginip dahil imposible naman ang makapunta ako ng Korea. Huhuhu- Sige hanggang dito na lamang, paalam!

Biyernes, Setyembre 11, 2015

aBER, aBER, aBER, aBER!

    Sa pagpasok ng BER months, napakarami nating inaasahan, ngunit sa kabila ng mga ito madalas mangyari ang hindi natin inaasam. Sa pagdaan ng panahon at bilis ng takbo nito ay tila hindi na natin namamalayan ang araw, kahit ako ay waring nagulat sapagkat September na, tapos bukas October tapos Nobyembre at Disyembre, inaalala ko ang lahat at totoo nga napakarami na ang nagdaan.

    Naghahalong emosyon ang aking naramdaman ng dumasting na ang buwan ng BRE. Nandyan ang pakiramdam kong masaya, sapagkat darating na naman ang pasko at magsasama-samang muli ang aming pamilya habang pinagsasaluhan ang handa ng Panginoon. #Pasko2015

     Sa karagdagan, nagagalak din ako sapagkat may trabaho na ang aking ate(kapatid) at sa inaasahan ay magkakaroon siya ng bonus sa December epekto ng mas maraming handa. Hahahaha

        Ngunit sa kabilang dako, nalulungkot din ako sapagkat baka maging katulad din ng pangyayari ng nagdaang pasko at wala akogn natanggap na regalong materyal at tila rin hindi nagparamdam ang aking mga natalagang ninong at ninang pero ayos lang din naman dahil ang mahalag ay buhay ako anuman ang mangyari. Haha

       Napakarami kong nararamdaman sa tuwing papasok ang BER months naghahalong emosyon at pangamba pero sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagtanggap at pagharap sa kung ano man ang mangyari sa araw-araw. At ang aral na ibinibigay ng nakaraan at ibibigay ng hinaharap, marami mang mga bagay ang nangyayari at hindi nangyayari ay marunong pa rin dapat tayong maging positibo sa mga pagkakataon sa kasalukuyan.

PS.



#Love
#God
#MaligayangPasko2015
#MerryChristmas2015
#HappyPassedOveroftheLamboftheGOD

Lunes, Agosto 31, 2015

NCAE: First One Last Time

Sa una at magiging huli kung karanasan sa pagkuha  ng pagsusulit sa NCAE o National Carrer Assessment Examination, sobrang dami kong  natutunan, naramdaman  at naranasan. Sa ibat-ibang courses na aking naka-engkwentro na nagbibigay ideya sa akin kung ano  nga ba ang gusto ko sa kolehiyo. At sa isang araw na ito ay natapos ko na naman ang isang requirement na kailangan sa kinabukasan ko.

Ngunit…

“What is the 13% of P3,265.00?”

Dati-rati pinapangarap kong kumuha ng accounting, pero nang makit ko ang test dito ay parang gusto ko ng banatin ang utak ko upang masagutan lamang ang mga tanong nila isa-isa. Hahahahaha sabi ng mga accounting na kakilala ko, “Accounting isn’t about Math”, pero ano ‘to?

“Answer the Technical-Vocational Aptitude for 1 hour.”

Sa pagkakataong ito, nakaramdam rin ako ng lungkot sapagkat napakahaba ng oras na ibinigay sa amin upang sagutin ang bawat bahagi ng test. Ngunit para sa mga kasama ko ay 20 mins. lang ang kailangan nilang gugulin para dito. Hindi man lang nila seryosohin ang pagsusulit, nagtitila silang manghuhula sa bawat ‘shotgun’ na ginagawa nila. Lagi tuloy akong nahuhuli. Ewan ko ba! Hahahahahaha.

“Mag-break na kayo.”

Tuwing break, napapatanong ako sa aking sarili kung anong mangyayari sa 10 mins. na break. Hahahaha nakakaasar lang talaga kasi sa regular na klase namin araw-araw ay nakukulangan pa kami sa 20 mins. sa paglalakad pa lamang sa hallway at pagbaba sa hagdan ay kumukunsumo na ng ilang minuto, eh kung pipila pa kami sa canteen na pagkahaba-haba ay talagan malelate na kami kaya minsan ay hindi na kami nagbe-break. Sana naman ay mapalawig pa ang oras ng break para sa mga susunod na kukuha ng pagsusulit sa NCAE. Hahaha laking pasasalamat lang talaga namin ng makaabot kami sa lunch break.

 "Do you like to... (A-  Very much, B- Much, C- Very little, D- Not at all)"

Damdamin ko'y nagulantang nang makita ko ang 215 items na yun! Hahahaha sa iisang tanong na "Do you lik eto?..." pero habang sinasagutan ko ito ay nakapagtataka lamang dahil bakit hindi ko pa rin makita ang bagay na gusto ko. Malimit kong isagot ang letter A. Napagtanto ko na hanggang ngayon pala  ay tila wala pa akong plano sa kung ano ang kukuhain ko pagdatin sa kolehiyo. Pero  hindi ko na lang muna madadaliin ang aking sarili, matagal pa naman.

"Ayusin ang pagbibilog, gawin ng tama. Walang lagpas!"

 Ako'y napapaisip lamang sapagkat isa ang paraan ng pagsagot ng pabilog ang nakapagpapaubos ng oras, maari na lang siguro gawing mas mahaba na rin ang oras sa pagsasagot ng oras.

Sa kabilang dako, sa NCAE nakatagpo rin ako ng ibat-ibang tao, ibat-ibang katangian at kaugalian katulad ng nagbantay sa amin at gumabay na si Bb. Rona na mula pa sa ibang paaralan. Maganda si Ma'am at napakabait pa, minsan mang nagsusungit ngnuit kailangan, isa rin siya sa sumaksi kung paano namin tinapos ang pagsusulit. Salamat sa kaniya dahil sa paggabay niya sa amin, salamat din sa mga kasama kong maloloko. Hahahaha

Sa lahat ng ito, ay napakaraming na ituro sa akin ang isang araw ng NCAE. Isang araw na kakaiba. Isang araw na masaya, yung puro tawa kasama ang mga kaibigan at kakilala. Marami akong narealize tungkol sa future ko, maging na rin sa mga bagay na walang kabuluhan. Hahahahaha hanggang dito na lamang, Salamat sa Pagbabasa!