Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 10, 2015

KAILAN NAGING LANGGAM ANG IBON

Hapon ng sabado nang utusan ako ng nanay kong bumili ng miryenda. Napakabigat ng aking pakiramdam dahil inistorbo niya ang aking pamamahinga. Papalabas na ako ng pinto nang masalubong ko ang aking pinsang galing sa aming gate, pansin ko rin ang mga ibong nagkukumpulan sa  isang bahagi ng simento at nag-aagawan ng pagkain. Nakaramdam ako ng pagkabigla  ng sumigaw ang aking pinsan, "Langgam, langgam, langgam" nagtataka lamang ako dahil siya ay tuwang-tuwa habang ang mga kamay niya ay nakataas mas lalo akong nagulat ng dumiretso siya sa  mga ibon, sa isip-isip ko lamang, "Naliliitan ba siya sa mga ibon, upang tawagin ito ng Langgam?". At dahil dito, tinanong ko siya, "Kailan naging langgam ang ibon?" kasabay pa nito ang aking pagtawa  ng malakas, "HAHAHAHAHAHA". Ngunit napahiya naman ako sa naging tugon niya, "Bisaya term kasi, Hahaha". Sa pagkakataong ito, nagkaroon ako ng napakaraming kaalaman. Masyado akong naging  mapanghusga. Akala ko kasi nawawala na siya sa sarili niya. Hindi muna kasi ako nagtanong, Hahahaha.

MORAL LESSON: HUWAG AGAD-AGAD MAG-REACT SA ISANG BAGAY, MAGTANONG MUNA PARA SA HULI HINDI IKAW ANG MAGMUKHANG TANGA. HAHAHA

Linggo, Oktubre 4, 2015

KULANG SA PANSIN

Bilang bahagi ng lipunan, Sapat na nga ba ang karapatang natatamasa ng kababaihan? Kung sa iyo ko ibabato ang tanong na ito, paano mo sasaluhin at bibigyang reaksyion?

Para sa akin, sapat na ang mga karapatang natatamasa ng mga kababaihan sa kasalukuyan lalo na't kung ikukumpara sa nakaraan, dahil sa aking nakikita'y nakakaya ng makipagsabayan ng mga babae sa kalalakihan sa iba't-ibang bagay. May mga pagkakataon pa ngang mas nangingibabaw sila (mga babae), tulad na lamang ng isa sa mga naging lider ng ating bansa na si dating Pangulong Cory Aquino- indikasyon lamang ito na nakakaya rin ng mga babae kung ano ang nakakaya ng mga lalaki, at nagagawa na rin ng mga babae ang mga nais nila.

Ngunit sa kabilang banda, hindi lang nagmumukhang sapat ang kanilang karapatan dahil sa kawalan ng kalayaang kanilang pinagdaraanan. Dahil ayon sa aking nakikita, may mga babaeng  pa ring nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang mga asawa, may mga pagkakataon namang paghihigpit ng kanilang mga kinakasama base sa kulturang katutubo. At ang mga ito ay nagsasanhi ng kawawalan nila ng kalayaang maranasan ang kanilang mga karapatan.

Sa paglalahat, hindi karapatan ang nawawala kundi kalayaan ng mga kababaihan upang matamasa ito.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

THANK YOU, POOOOO

Gratitude makes sense. When I was a kid, I am really not fond of saying 'thank you' for those people who helped me, specially to my Mama who had given me everything that I want to fulfill my happiness, like toys. And but not in my mind track that it always went of breaking. Then one day, a family of scavengers walking through our street and obviously looking for some collectibles saw our trash bins outside our home and went near to it with their child running and me bothered for it is very unusual, but I've found it out when he grabbed my broken toy and hold it too tightly celebrating and very happy. And me was like, "okay, whatever!". But when they are about to go I heard something that makes me feel so very special, the child shouting, "SALAMAT!" with joy on his face and still clung onto my toy. In this scenario, I realize to have value on things even they're too little because they are the one who makes a thing big. And most specially to give gratitude to someone who completed you because it may be the only thing you can give into return. So, I always now tell my Mama, "Maraming Salamat!" with full of my heart even in a joke way. :')))))))))

BANGUNGOT NG NAKARAAN

Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.

Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.

Lunes, Agosto 17, 2015

Pagtatapos na tutungo sa Panibagong Simula

       Sa unang markahan, marami akong natutunan tulad ng tungkol sa mga uri anyo at paggawa ng tula, alamat, kwento atbp., kasama na rin ang pagsusuri at mga elemento na bumubuo upang mas mabigyang-linaw ang bawat kahulugan, pangungusap o parirala, gaya ng transitional devices, pang-ukol, pangatnig, pang-angkop o mga kilalang pang-ugnay. Nalaman ko rin ng mas malalim ang pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan, at kung paano iuuri ang sanaysay mula sa dalawang halimbawa nito- pormal, di-pormal. 

       Kasama rin sa aking mga natutunan ang pagsusunod-sunod ng pangyayari sa isang kwento at mga elemento nito kasama ang tauhan, tagpuan at banghay. Pati na ang paggamit ng mga salitang naglalarawan; paghahambing at pagtutulad ng isang bagay o pangyayari ay naging rin parte ng aking pagkatuto.

         Isa pa sa mga mahahalaga kong nadiskubre sa markahan ay ang natatagong tradisyon ng bawat bansa na aming tinalakay, partikular sa Timog-Silangang Asya. Ito ay sa pamamagitan ng mga panitikang naghahatid ng mga impormasyon tungkol at nagmula rin sa kanila.

      Sa kabilang dako, iba rin ang aking naging karanasan sa bawat bagay na sa ami'y pinagawa, dahil dito ay nasubok ang aking kakayanan. Isa na rito ang paggawa ng tula, pagvivideo sa sarili habang binabasa ang nagawa at pagaupload nito sa facebook, sa kabila ng aking pagkahiya ay patuloy ko pa rin itong ginawa sapagkat ako ay maaaring mawalan ng marka- dito ko napatotohanang "Wala kang mararating kung mahiyain ka", na hindi mo maisasagawa o maaabot ang iyong nais o pangarap kung hiya ang ipaiiral ngunit ito ay dapat na para sa tama.

     Sa susunod na markahan, inaasam ko na mas marami pa akong malalaman at matututunan na maaari kong magamit sa aking pangaraw-araw na buhay, kagaya dito sa blog na magkaroon pa ako ng mas maraming kaalaman sa paggawa ng aking mga sulatin. At sa paglalakbay sa ibang bahagi sa kontinente ng Asya, Kanluran partikular, sana ay mas mapalawig pa ang aking kaalaman tungkol sa kanilang tradisyon at kultura lalo na sa Korea. Masubok rin sana sa markahang ito ang aking kalakasan at kahinaan na maaari kong magamit sa mga susunod pa.