Alam mo ba? Alam mo ba kung bakit nagbago sila? Ni minsan ba
kinumpronta mo sila o kinausap man lang kung bakit nagkaganoon sila? Mag-isa
ka, sampung-libo sila, sino amg dapat makisama? Nagtaka rin sila kung bakit
nagkaganyan ka. Alam mo ba kung bakit sa bahay mo ay hindi na sila nagpupunta?
Kasi nasaktan sila noong sinumbatan mo sila. Umuuwi ka ng maaga dahil walang
kumakausap sayo kapag nagtagal ka? Nagtanong sila, ni minsan ba sinubukan mo na?
Ang daming taong naghahanap sayo hindi ka nila makita paano inuuna mo yung
sarili mong trip kesa makasama sila. At pag kausap mo sila iba rin yung gusto
mong topic, tatanungin ka ulit nila, sino ang dapat makisama sila ba? O ikaw
lang mag-isa. Ni minsan ba nag-open ka sa kanila? Hindi diba. Noong birthday
mo, alam mo ba kung bakit 'di sila nagpunta? Kasi pinangunahan mo sila na wala
kang handa. Alam mo ba na nagbalak pa rin silang dumalo? Pero patuloy mo pa
ring hinarangan silahinarangan sila ng katagang "'wag na kayong pumunta
dahil hindi nagluto si mama". Alam mo ba kung bakit hindi pa rin sila
tumuloy? Kasi nga baka walang handa at makaramdam ka ng hiya. Sarili mong
salita ang papatay sa'yo. Alam mo ba kung bakit sila lumayo? Lumayo ka rin,
nauna ka pa. Sa tuwing magkikita kayo, ni minsan ba naghello ka? Sa ruwimg
magsasalubong kayo at binati ka nila, sumagot ka ba? Alam mo lahat ng sa'yo
naaappreciate nila. Hindi ka lang marunong magbalik, nagsawa lang siguro sila,
nasaktan eh. Napahiya. Napansin nga rin nila, kinakausap mo lang sila 'pag may
kailangan ka. Sa panahong masaya ka, iba ang pinipili mong kasama ngunit sa
kasagsagan ng kahirapan hinahanap mo sila. At 'pag katapos niyong
mapagtulungan, lahat ng mali nakikita mo, lahat na rin sinusumbat mo. Hindi mo
ba pansin ikaw na madalas ang umaako ng gawain? Ngnuit kinabukasan masakit na
salita sa mukha nila'y isasampal. Okay lang naman daw, ngunit wala ka bang
puso? Bakit kailangan pang sa harap ng karamihan? nagTaka si ganda nalamog
kaniyang braso, nagkaroon pa ng violet na tatoo tumabi lang daw siya sa iyo?
Nakakita ka lang naman daw ng gwapo. Isa pa pala daw, bakit mo kailangang
magmalinis? Walang taong perpekto para ipaalala ko sa'yo. Ano bang gusto mong
ipamukha sa kanila? Kalangitan ka, Impyerno sila? Akala mo ba ikasasaya nila
ang iyong binabalak? Pero bahala ka na daw, pano ka daw ba kasi makikinig sa
mga taong itinuring kang espesyal noon ngunit hindi na ngayon sumabay ka kasi
sa pagbabago ng panahon, iniwan mo sila sa dating galaw niyo noon. Salamat!
Salamat daw sa pagbabago mo nakita nila ang tunay na mundo. Alam mo ba? Alam mo
bang nalungkot si ganda habang ito ay ginagawa niya? Nagtanong ulit siya,
"Bakit nagbago kasi siya?" may sumagot "siguro kasi mas pinili
niya yung iba kesa sa inyo" sumagot si ganda, "hayaan ka na daw
masaya ka diyan eh". Pero gusto lang din nila na maayos ‘to, kaya sorry
daw sa mga nagawa nila. Sana wala ng problema happy-happy na tayo. Sorry na BB. :)
I got addicted by His love that never fades. ♥ #ThanksG At totoo nga day! ito ang nag-iisang blog ko, kaya sundan mo na akuuu , para happy-happy tayuuu! At para sa mga tsismosa i-follow niyo na rin ako sa Fb (Ryan Dave Loreno). Doon kayo makakakuha ng balita all-day sa mga walang kwentang updates ko sa aking buhay. Pero minsan dito ko na inilalabas ang gusto kong ilabas. Hahahaha, Kung gusto mo tambayan 'to eh okay lang, pero lagi mong tandaan na hindi ako perpekto ha. Halina't masaya to, tara!
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 8AristotleForever. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na 8AristotleForever. Ipakita ang lahat ng mga post
Lunes, Nobyembre 2, 2015
T H E R E P L Y 1 0 1
Mga etiketa:
8AristotleForever,
Box,
G9,
polygon babies,
Sorry
Linggo, Oktubre 4, 2015
PAPA FERNANDO, MAHAL NG ARISTOPOLO
Teacher's day na naman, panahon na ulit upang bigyan ng makahulugang pasasalamat ang mga guro. KAYA MARAMING SALAMAT PO SA MGA GURONG NABABASA ITONG PASKIL KO. Ngunit bago ang lahat, nais kong bigyang pasasalamat ang pinakaespesyal na guro sa aking buhay. Marinig pa lamang ng mga naging estudyante niya ang pangalan niya ay nagtataasan na ang mga kilay nila, kahit ako rin naman tila umuusok na ang ilong ko 'pag naririnig ko ang matatamis niyang pangalan. Iba kasi siya sa lahat, natatangi siya dahil hindi lang siya naging guro sa amin kundi tumayo rin siya bilang huwarang ama sa aming lahat. Iba kasi yung mga lesson na binigay niya sa amin, mga lesson na hindi namin malilimutan. Hindi lang siya nagpokus sa asignaturang kinabibilangan niya, hindi lang puro Physics, Biology, Chemistry at kung ano-ano pa. Lumayo siya sa mga lesson na dapat lang niyang ituro, he go beyond the limitations ika nga nila. More to life kasi yung mga ibinahagi niya sa akin. Tuwing tatayo nga siya sa harapan parang hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan dahil paniguradong may hatid surpresa na naman siya- kakaibang surpresa, lalo na yung on the spot jackpot niya na pamatay. Pero sa lahat ng ito, hindi pa rin matatawaran yung pagmamahal na ibinigay niya sa amin! Kaya nga grabe na lang yung iyak namin noong magtatapos na ang aming taon sa mga kamay niya. Sa totoo lang, naiinggit na nga ako sa mga bagong hawak niya kasi siya yung magiging tatay nila kaya napakaswerte talaga nila. Si Sir Fernando Timbal ang aking ibnibida, habang-buhay ko siyang ipagmamalaki sa bawat taong makikilala ko araw-araw! Sana mabasa niya ito. Mahal ka namin Sir. Hindi ka namin malilimutan- sinabi mo yan eh, hahahahahaha "Dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako malilimutan ng mga nahawakan kong estudyante. Una, natuwa sila sa akin dahil naging mabuting guro ako sa kanila, pangalawa, ay kinamuhian nila ako dahil sa pagiging masungit ko sa kanila". Isa lang naman yan Sir, it's just a matter of acceptance and appreciation because there is always two sides between each story- the good and the bad, but bad can be good if we see it happily and vice versa. Kung ako ang tatanungin siguro maaalala ka namin Sir sa dalawang dahilang sinabi mo. Tinanggap ka kasi namin sa kung ano ka kaya lahat ng masasama sa'yo (wala naman) tinanggap namin ng mabuti, idol ka namin eh, bilang isang tatay, guro at bilang ikaw. Sana hindi ka magpagod magmahal at magmahal ng magmahal kagaya ng ginagawa mo ngayon. Tsaka Sir mahanap mo na sana yung taong mamahalin mo habang-buhay para sumaya ka pa lalo at 'pag masaya ka, masaya din kaming mga anak mo. Alam ko namang kuntento ka na sa aming mga anak mo pero syempre iba parin tatay yung may katuwang, diba? Hahahahahaha Mahal ka namin TATAY. God Bless! Mwuapssszxc! :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
