Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Papa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Papa. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Agosto 29, 2015

Hoooooy, GISING!

Alas 3 ng hapon nang maramdaman ko ang pagod , at kumain lamang ako ng sandali pagkatapos ay natulog. Ipinagpaliban ko muna ang mga nakaatas sa aking gawaing-bahay. Ngunit sa sarap at himbing ng aking pagkakatulog ay kadahilanang tumagal ito ng ilan pang mga oras. Maya-maya ay narinig ko na ang boses ng aking Ina, "Anak, gumising ka na, ang mga hugasan mo nilala ngaw na. At  mamayang gabi baka hindi ka na naman makatulog. Mapuyat ka na naman!" binalewala ko ito sapagkat ang isip ko'y gising na,  ang katawan ko naman ay tila natutulog pa. Dumagdag pa ang oras at nakailang balik na si Mama pero matatag pa rin kami ng kama. Hanggan sa nagbabadya nang umulan rinig ko ang galit ng langit sa kwarto, at may narinig na naman akong tinig, "Ryan, tumayo ka na dyan", ngunit sa oras na ito ay isang boses lalaki at si Papa naman. Sa pangalawang pagkakataon, binalewala ko ulit ito. Dumagdag ng dumagdag pa ng dumagdag ang oras, at sa kalagitnaan nito ang ang di-inaasahang pagbagsak ng ulan na naging rason upang mapasarap pa lalo ang aking tulog dahil sa lamig na nadarama ko. 

Sa kabila ng lahat ng ito, at pagbabalewala ko ng mga paggising sa akin, ay may narinig na naman akong pagbabadya ng pagpuputol ng aking mahimbing na pamamahinga, ngunit sa pagkakataong ito ay iba na, ibang-iba na, hindi na si Mama at Papa- kakaibang pandinig na hindi ko inaasahan, pandinig na gumimbal sa aking damdamin, nagpaiyak, at nagpabilis ng  aking tibok ng puso, sobra ako na-touch sa oras na ito, rason ng aking biglaang pagkagising- gising na gising, wala na talaga akong ibang nagawa kundi ang sumigaw, "OH MY GOSH!!!". Sa paglalahat, maluha-luha ako ng lubos nang marinig ko ang tinig ng langit- ang kulob na nagpabingi at kidlat na nagpamanhid at nagpalitaw  ng aking adrenalin rush, sa pagkakataong ito tila nasa ibabaw sila ng aming bubong na nagsasabing, "HOOOOOY, GISING!!!"

PS. Laking pasasalamat ko lang talaga at nabuhay pa ako. Nakakaloka! Hahahahahahaha, Napa-Oh My Gosh! ng wala sa oras!

Martes, Hulyo 28, 2015

KARANASAN: Sabado at Linggo

     Sabado ng umaga nang magising ako. Ang sarap lamang sa aking pakiramdam dahil wala akong masyadong iniisip na mga takdang aralin- yung tipong pagkamulat ko sa aking higaan ay ngiti na ang bubungad. Wala akong ginawa sa araw na ito kung hindi ang kumain, matulog at tapusin ang mga kakaunting gawaing-bahay hanggang sa umabot na ang kinagabihan nang hindi man lang ako napapagod, at nang ako ay matulog ay payapa parin ang aking nadarama.

        Umaga pa rin nang ako'y magising ngunit ito ay sa araw na ng linggo. nagising ako ng may galak pa rin sa mga labi.

         Kung ikukumpara sa araw ng kahapon (sabado), ay tila na mas marami akong ginawa ngayon- sa aking pagtayo sa higaan niligpit ko ito, sunod ay kumain, at makatapos naman ay sinimulan ko na ang ibang mga gawaing-bahay. At nang magawa ko na lahat ng kailangan ay pagpapahinga naman ang aking inatupag hanggang sa pagsapit ng gabi. 

          Sa pagaakala pa ring wala akong mga takdang aralin, ay minarapat kong bisitahin at siguraduhin sa aking mga kwaderno, at nang makita ay tila isang gabundok na labahan ni mama ang mga ito. Agaran ko rin naman itong ginawa at halos maghahating-gabi na nang ako ay natapos at natulog ngunit ayos lamang dahil lahat naman ay nagawa ko ng matiwasay at naayon. Hanggang ngayon ay maayos at payapa parin ang pakiramdam ko.

        Sa lahat ng ito, iba talaga ang Panginoon. Salamat sa kaniya, dahil sa lahat ng bagay na aking ginagawa ay parati siyang nandiyan upang gumabay na tulad ng aking mga magulang. Salamat po Panginoon, pati sa inyo Mama at Papa.