Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 4, 2015

KULANG SA PANSIN

Bilang bahagi ng lipunan, Sapat na nga ba ang karapatang natatamasa ng kababaihan? Kung sa iyo ko ibabato ang tanong na ito, paano mo sasaluhin at bibigyang reaksyion?

Para sa akin, sapat na ang mga karapatang natatamasa ng mga kababaihan sa kasalukuyan lalo na't kung ikukumpara sa nakaraan, dahil sa aking nakikita'y nakakaya ng makipagsabayan ng mga babae sa kalalakihan sa iba't-ibang bagay. May mga pagkakataon pa ngang mas nangingibabaw sila (mga babae), tulad na lamang ng isa sa mga naging lider ng ating bansa na si dating Pangulong Cory Aquino- indikasyon lamang ito na nakakaya rin ng mga babae kung ano ang nakakaya ng mga lalaki, at nagagawa na rin ng mga babae ang mga nais nila.

Ngunit sa kabilang banda, hindi lang nagmumukhang sapat ang kanilang karapatan dahil sa kawalan ng kalayaang kanilang pinagdaraanan. Dahil ayon sa aking nakikita, may mga babaeng  pa ring nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang mga asawa, may mga pagkakataon namang paghihigpit ng kanilang mga kinakasama base sa kulturang katutubo. At ang mga ito ay nagsasanhi ng kawawalan nila ng kalayaang maranasan ang kanilang mga karapatan.

Sa paglalahat, hindi karapatan ang nawawala kundi kalayaan ng mga kababaihan upang matamasa ito.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Bansa: KOREA, Ako: KOREANA

ANG POST NA ITO AY RATED SPG

Huwag seryosohin, mga personal na layunin
Mainggit 'wag na rin, sa gandang akin
Ngipin ay toothbrush-in upang hindi tartarin
I-enjoy na lang natin kalokohang binigyang-turing
Ako'y natatawa sapagkat nakangiti ka
Tila ba nababaliw ka na?
Hahahahahahahahahahahahahahaha
Halina't simulan na
Lahi ko ay Koreana
heto na talaga... (Hahahaha)



Isa ang Korea sa mga namamayagpag na bansa sa bawat sulok ng mundo sa kasalukuyan, dahil sa pagiging bihasa nila sa larangan ng pagkanta, sayaw, drama at marami pang iba. At narito ang 10 bagay na una kong gagawin kapag nakatungo na ako sa Korea:




1. Vampire mode-  walang tulugan, siyempre para maienjoy ng lubos ang bawat araw at gabi, ugh. Minsan na yan, matutulog ka pa ba?

2. Gagawin yung sa "The Selfie Song"- para may remembrance syempre, at para na rin mainggit ko ang mga kaibigan kong naiwan dito sa Pilipinas. Haha (sa BOXES at POLYGON BABIES)

3. Forever Gala, haha!- alam ko namang sandali lang ang panahong lalagiin ko doon. Malay mo isang linggo lang yan, magpapahinga ka pa.

4. Ibebenta ang sarili (literal? haha)- kailangan ng landi para makahanap ng poging Koreanong fafang mayaman, mabawi ko man lang yung pamasaheng gagastusin sa papunta at pabalik. Be wise, We only live once! Hahahahahahahahaha

5. Trip sa Seoul- syempre dahil nandoon na nga ako at gusto ko rin namang malaman pa ng mas malawig ang kanilang tradisyon, kultura, at ibat-iba pang produkto ng bansa nila.

6. Artista hunting- so heto na nga, isa ito sa mga pinakagusto kong gawin ang mang-hunting ng mga Korean artists. Sila naman ang pupuntahan ko sa pagkakataong ito! Hahahaha tapos magpapa-picture ako at ia-upload ko sa FB, Ig, at Twitter ko kaya i-follow niyo na ako, nasa taas naman ang aking mga usernames. Hihihi

7.-10. Ano kaya?- sa buhay may mga pagkakataong hindi talaga natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tanggapin na lamang natin ito, at huwag masyadong umasa sa mga bagay na ating inaasam sapagkat masasaktan ka lang! Dahil kung ano pa ang mga ito ay siya pang hindi nagaganap.


Ang saya lamang ng aking pakiramdam habang ginagawa ko ang paskil na ito, iniisip ko na talaga na nangyayari na, at kung ano ang hitsura ko sa mga pagkakataong ibinigay ko. Hahahahahahaha pero sa kabila nito ay tila isang panaginip dahil imposible naman ang makapunta ako ng Korea. Huhuhu- Sige hanggang dito na lamang, paalam!

Biyernes, Setyembre 11, 2015

aBER, aBER, aBER, aBER!

    Sa pagpasok ng BER months, napakarami nating inaasahan, ngunit sa kabila ng mga ito madalas mangyari ang hindi natin inaasam. Sa pagdaan ng panahon at bilis ng takbo nito ay tila hindi na natin namamalayan ang araw, kahit ako ay waring nagulat sapagkat September na, tapos bukas October tapos Nobyembre at Disyembre, inaalala ko ang lahat at totoo nga napakarami na ang nagdaan.

    Naghahalong emosyon ang aking naramdaman ng dumasting na ang buwan ng BRE. Nandyan ang pakiramdam kong masaya, sapagkat darating na naman ang pasko at magsasama-samang muli ang aming pamilya habang pinagsasaluhan ang handa ng Panginoon. #Pasko2015

     Sa karagdagan, nagagalak din ako sapagkat may trabaho na ang aking ate(kapatid) at sa inaasahan ay magkakaroon siya ng bonus sa December epekto ng mas maraming handa. Hahahaha

        Ngunit sa kabilang dako, nalulungkot din ako sapagkat baka maging katulad din ng pangyayari ng nagdaang pasko at wala akogn natanggap na regalong materyal at tila rin hindi nagparamdam ang aking mga natalagang ninong at ninang pero ayos lang din naman dahil ang mahalag ay buhay ako anuman ang mangyari. Haha

       Napakarami kong nararamdaman sa tuwing papasok ang BER months naghahalong emosyon at pangamba pero sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagtanggap at pagharap sa kung ano man ang mangyari sa araw-araw. At ang aral na ibinibigay ng nakaraan at ibibigay ng hinaharap, marami mang mga bagay ang nangyayari at hindi nangyayari ay marunong pa rin dapat tayong maging positibo sa mga pagkakataon sa kasalukuyan.

PS.



#Love
#God
#MaligayangPasko2015
#MerryChristmas2015
#HappyPassedOveroftheLamboftheGOD

Huwebes, Agosto 27, 2015

TROJAN WAR

Sa pagdaan ng panahon napakaramarami ng mga palabas ang umusbong maaring ito ay patungkol sa mga pag-ibig, kabayanihan, at mga modernong kaisipan sa panahon ngayon. Kadalasan ay may natututunan tayo sa mga ito, may mga pagkakataon pa nga na nakararamdam tayo ng pagkainis sapagkat natatalo ang bida at hindi nagkakaroon ng happy ending. Isa sa mga pelikulang napanood ko ay ang Trojan War, masasabi kong iba ito sa mga napanood ko na, dahil sa kakaibang twist na inihahatid nito sa mga manonood na siya naman ring kapupulutan ng aral tulad ng pagtalakay nito sa pag-ibig, pagiging magiting, kabayanihan, at higit sa lahat ang Kasaysayan na ibinibida kung ano ang meron sa mga Greek noong nagsisimula pa lamang nilang hubugin ang kanilang pamumuhay patungo sa kasalukuyan.

Nagsimula ang nasabing pelikula sa pag-ibig. Nang dahil sa angking ganda ni Helen, siya ay pinag-aagawan ng mga prinsipe. Siya ay sumama kay Paris patungong Troya at iniwan ang kaniyang asawa na si Menelaus, dahil dito ay nagpahayag ng digmaan si Menelaus laban sa Troya upang mabawing muli ang kaniyang reynang si Helen. Marahil ay kung hindi siguro ipinuslit ni Paris si Helen ay wala ng gulo, at hindi na magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga taga-Troya at taga-Isparta. At sa pangyayaring ito, mahihinuha ko na iba ang nagagawa ng pag-ibig sa sangkatauhan.

Sa digmaang ito, si Achilles at Hector ang mga pinakamagigiting na mandirigma. Patunay rito ay nang sabihin ni Hector kay Patroclius na, “These are the days of my glory, and perhaps Achilles himself will fall to my sword”, isa rin ito sa mga katagang hindi ko malilimutan, dahil dito ipinahihiwatig ang angking katapangan at kalakasan ni Hector, maging na rin ni Achilles. Sa laban din nilang ito pinairal ng dalawa ang kanilang ginagawa ay para sa pag-aalay at pagsasakripisyo  sa kanilang mga diyos, bayan at minamahal.

Sa kabilang dako, hindi ko rin malilimutan ang angking kahusayang ipinakita ng mga Griyego. Dahil sa pagbuo ng malaking Kabayong kahoy o Wooden Horse sila ay nagwagi, tinatawag rin itong “Kabayong Troyano”. Ito ang naisip na paraan ni Odyssues sapagkat nahihirapan silang pasukin ang Troy dahil sa mga tauhang mahuhusay pagdating sa pagpapana o archers. Naisagawa nila ito sa paraang may mga tauhan ang Griyego na naglagay ng Kabayong kahoy sa dalampasigan at lumisan sa pamamagitan ng kanilang mga Bangka. Nakita ang Kabayo ng mga Troyano at inisip na hudyat na ito ng pagsuko ng mga Griyego at pagtigil sa pag-aasam na magwagi sa laban, inisip nila na isa itong handog mula sa mga Griyego. Hinila ng mga Troyano ang Kabayo papasok sa Troya at nagdiwang sa inaakalang pagkapanalo sa digmaan. Dahil ang hindi nila alam na may mga mandirigmang Griyego ang nakakubli sa loob ng Kabayong kahoy at sa pagsapit ng gabing iyon, naglabasan sila at binuksan ang mga tarangkahan at sinunog ang mga kabahayan. Isa pa sa mga nakagugulat, ay ang mga Griyegong naghatid ng kabayo at umalis gamit ang mga Bangka ay isa lamang pa lang pagpapanggap dahil sila ay nagtago sa likod ng mga pulo at nagbalik sa gabing iyon hudyat na napagwagian nila ang digmaan.

Sa karagdagan, Isa pa sa mga hindi ko malilimutang parte ng pelikula ay noong magpanggap si Patroclius, pinsan ni Achilles, na siya ang si Achille kaya mangyaring napatay siya ni Hector. At bilang paghihiganti tinalo at pinatay rin ni Achilles sa isang laban si Hector, na nakita kong mali dahil hindi ito kasalanan ni Hector, dahil nag-ugat ito sa kawalan ng pagbibigay halaga ni Patroclius sa kaniyang buhay dahil kung mahal niya ang kaniyang buhay ay hindi siya magpapanggap at lalaban sa taong hindi naman niya kapantay ang lakas. At kung hindi rin naman niya inangking siya si Achilles ay hindi rin siya papatayin ni Hector.

Sa pagtatapos, maihahalintulad ko ito sa mga napanood ko nang palabas na hindi happy ending, dahil ang tauhang pinakahahangaan ko sa kagitingan, katapangan at kalakasan ay natalo sa hindi sinasadyang pagpunterya sa kaniyang kahinaan, espisipikong si Achilles nang mapana siya ni Paris sa kaniyang sakong.


Sa lahat ng ito, kaiba ang aking nararamdaman sa panonood ng Trojan War dahil marami akong natutunan sa mga aspetong ibinida nila rito- pagmamahalan, katapangan o kung ano pa man. Marami rin akong mga natutunan lalong-lalo na sa kasaysayan ng mga Griyego. Nakabibilib ang kanilang mga paniniwala sa mga Diyos na kaiba sa lahat. Ang mga Diyos na kanilang kinikilala ay tila isang pangkaraniwang tao lamang na nakararamdam ng pagmamahal, sakit, ligaya atbp. maging ang kamatayan ay kanilang nararanasan.


Picture Source: