Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pangarap. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pangarap. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Oktubre 10, 2015

HAYOP KA RIN

Hayop lang kung atin silang ituring, at kahalagahan nila hindi natin napapansin. Sa mga ganitong pagkakataon hindi mo ba naiisip, na hayop ka rin. Huwag natin silang maliitin, ikaw ay kapareho lang nila, sabi nga ng siyensa 'highest form' tayo nila. Ngayon, kung iyong mamantakin diba't ayaw mo rin ng turing sa kanilang binibigyan mong diin? Swerte na siguro kung makahanap ng mabuting amo, ngunit karamihan pa rin hindi maayos ang pagtrato. Mahirap na nga maialis ang ganitong tradisyon, kaya sa iyong pagbabasa umisip na ng solusyon. Sa atin magsisimula ang pagbabago, gusto mo bang mawalan ng sagisag ang bansang iyong sinilangan kung ang nagbibigay turing dito ay iyong pinapaslang?

Lunes, Agosto 24, 2015

HUWAG BASAHIN ni Maria

http://blognimaria.blogspot.com/2015/08/huwag-basahin.html

Sa lahat ng mga blog na aking nabasa mula sa aking mga kamag-aral ay ang "Huwag Basahin" ni Maria Angelika Iwag ang aking pinakanagugustuhang paskil dahil dito niya ibinuhos lahat ng kaniyang damdamin tungkol sa taong kaniyang hinahangaan. Maaaring ito ay magsilbing aral sa mga taong umaasa, at pagbubukas ng isipan sa mga taong paasa. Dahil dito ay nasa ayos na naipahayag ni Maria ang kaniyang hinanakit. 

Marahil ito ay tungkol sa pag-ibig ni Maria ngunit  nagkaroon ako ng repleksyon, na huwag umasa ng tuluyan sa mga bagay na alam nating imposible naman- masasaktan ka lang. At sa pagkamit ng pangarap na mabigo man minsan ay patuloy pa ring lumaban, at gamitin ang pagkabigong karanasan sa pagharap sa mga bagong laban.

Linggo, Agosto 16, 2015

THE ALCHEMIST

Ang "The Alchemist" ang isa sa aking pinakagustong nobela, dahil dito ay marami kang mapupulot na aral sa buhay at sa pagkamit ng iyong pangarap. Ito ay isinulat ni Paulo Coelho noong 1988 sa wikang Portugese at sa pagdaan ng panahon ay nagpasalin-salin ito sa 67 wika simula noong Oktubre 2009.

Isa sa mga sitwasyong hindi ko malilimutan sa kwento ay nang mapunta siya sa isang palasyo at sinubok na ikutin ito habang may dala-dalang kutsara na hindi dapat matapon ang laman nito. Perpekto niyang nagawa ito hanggang . At nang marating niya ang hari ay tinanong siya, 

"Nakita mo ba ang kabuuan ng palasyo?"
Sumagot siya ng "hindi" at pinaikot siyang muli.

Sa pagkakataong ito ay natutunan kong, HUWAG KANG MATAKOT NA MAGKAMALI UPANG MAKITA ANG KAGANDAHAN NG MUNDO.