MORAL LESSON: HUWAG AGAD-AGAD MAG-REACT SA ISANG BAGAY, MAGTANONG MUNA PARA SA HULI HINDI IKAW ANG MAGMUKHANG TANGA. HAHAHA
I got addicted by His love that never fades. ♥ #ThanksG At totoo nga day! ito ang nag-iisang blog ko, kaya sundan mo na akuuu , para happy-happy tayuuu! At para sa mga tsismosa i-follow niyo na rin ako sa Fb (Ryan Dave Loreno). Doon kayo makakakuha ng balita all-day sa mga walang kwentang updates ko sa aking buhay. Pero minsan dito ko na inilalabas ang gusto kong ilabas. Hahahaha, Kung gusto mo tambayan 'to eh okay lang, pero lagi mong tandaan na hindi ako perpekto ha. Halina't masaya to, tara!
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na natutunan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na natutunan. Ipakita ang lahat ng mga post
Sabado, Oktubre 10, 2015
KAILAN NAGING LANGGAM ANG IBON
Hapon ng sabado nang utusan ako ng nanay kong bumili ng miryenda. Napakabigat ng aking pakiramdam dahil inistorbo niya ang aking pamamahinga. Papalabas na ako ng pinto nang masalubong ko ang aking pinsang galing sa aming gate, pansin ko rin ang mga ibong nagkukumpulan sa isang bahagi ng simento at nag-aagawan ng pagkain. Nakaramdam ako ng pagkabigla ng sumigaw ang aking pinsan, "Langgam, langgam, langgam" nagtataka lamang ako dahil siya ay tuwang-tuwa habang ang mga kamay niya ay nakataas mas lalo akong nagulat ng dumiretso siya sa mga ibon, sa isip-isip ko lamang, "Naliliitan ba siya sa mga ibon, upang tawagin ito ng Langgam?". At dahil dito, tinanong ko siya, "Kailan naging langgam ang ibon?" kasabay pa nito ang aking pagtawa ng malakas, "HAHAHAHAHAHA". Ngunit napahiya naman ako sa naging tugon niya, "Bisaya term kasi, Hahaha". Sa pagkakataong ito, nagkaroon ako ng napakaraming kaalaman. Masyado akong naging mapanghusga. Akala ko kasi nawawala na siya sa sarili niya. Hindi muna kasi ako nagtanong, Hahahaha.
Lunes, Agosto 24, 2015
HUWAG BASAHIN ni Maria
http://blognimaria.blogspot.com/2015/08/huwag-basahin.html
Sa lahat ng mga blog na aking nabasa mula sa aking mga kamag-aral ay ang "Huwag Basahin" ni Maria Angelika Iwag ang aking pinakanagugustuhang paskil dahil dito niya ibinuhos lahat ng kaniyang damdamin tungkol sa taong kaniyang hinahangaan. Maaaring ito ay magsilbing aral sa mga taong umaasa, at pagbubukas ng isipan sa mga taong paasa. Dahil dito ay nasa ayos na naipahayag ni Maria ang kaniyang hinanakit.
Marahil ito ay tungkol sa pag-ibig ni Maria ngunit nagkaroon ako ng repleksyon, na huwag umasa ng tuluyan sa mga bagay na alam nating imposible naman- masasaktan ka lang. At sa pagkamit ng pangarap na mabigo man minsan ay patuloy pa ring lumaban, at gamitin ang pagkabigong karanasan sa pagharap sa mga bagong laban.
SALOOBIN KO SA SALOOBIN MO
Paano nga ba maipahahayag ang saloobin natin tungkol sa isang bagay, tao o ano pa man? Paano natin ito magagawa ng hindi nakasasakit ng damdamin ng iba? Maari ba tayong magbigay ng saloobin sa lahat ng oras?
Sa mga Makata, ay may ibat-ibang paraan ng pagpapahayg ng saloobin. Mayroong mga makatang gumagamit lamang ng bolpen at papel upang magbigay opinyon sa paksa, tulad ng sa dyaryo- ang pamamaraang ito ay mas kinikilalang pagpapahayag ng pasulat. Sa kabilang dako, maaring makapagpahayag rin ang isang tao ng kaniyang saloobin sa pamamaraan ng pasalita, halimbawa ng sa Telebisyon.
Sa karagdagan, para sa akin, ay marami pa talagang paraan ng pagpapahayag gaya ng sa mga pipi o tinatawag na sign language sapagkat sila ay walang kakayahang magsalita. Mayroon rin namang dulot ng makabagong teknolohiya tulad ng sa blog na ito na minsang nagsisilbi bilang labasan ng damdamin.
Sa lahat ng ito, ano man ang pamamaraang ginamit ay hindi dapat natin malimutan ang respeto sa bawat isa sa kabila ng mabuti o masama niyang ginawang binigyan natin ng reaksyon sapagkat ito ay karapatan niya bilang tao. At dapat rin nating alalahanin na hindi sa lahat ng oras ay marapat tayong magpahayag ng saloobin lalo na't lumalagpas na tayo sa sariling limitasyon at sa puntong panghihimasok sa buhay ng ibang tao dahil kadalasan ay wala tayong awtoridad na gawin ito- sa ngalan man ng batas.
Mga etiketa:
lessons,
natutunan,
opinyon,
pagkatuto,
pagpapahayag,
pangalawang markahan,
repleksyon,
saloobin
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)