Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bukas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bukas. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 4, 2015

SANAYSAY KO PARA SA'YO

Bawat isa sa atin ay hindi perpekto, may mga tao pa ring madalas magkamali sa pagsasalita o pagsusulat man na paraan. Dalawa kasi ang uri ng katangian ng bawat tao: maingay at tahimik.

Madalas sa mga maiingay ay puro salita, maganda rin ito dahil direkta mong nasasabi ang iyong opinyon sa isang paksa kasama ang iyong emosyon sa pamamagitan ng iyong mga ekspresyon. At agaran mo rin naman nalalaman ang opinyon ng iyong kausap.

Karaniwan naman sa mga tahimik ay hindi nagsasalita. Kaya napakahalaga ng sanaysay sa kanila. Dito kasi madalas ang gawi nila upang makapagpahayag ng saloobin o opinyon sa isang bagay. Sa pamamaraang ito ay marahil nakapagpapagaan ng kanilang kalooban. Sa kabilang dako, may mga tao rin namang mas mahilig magbasa kaysa makinig. Ang pagsulat din ng sanaysay ay isa sa mabilis na paraan upang mas maraming tao ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong pinapaksa. Katulad dito sa Social Media sites ay ilang pindot lang sa keyboard at isang click ng 'post' marami ng makababasa na mas maganda kung ikukumpara sa pasalita. Hindi mo rin naman siguro gugustuhing isa-isahin ang bawat tao upang pahayagan lamang ng iyong opinyon. Wala namang pangit na nagagawang sanasay ang bawat susmusulat nito. Kaya marahil ay natin bigyan-halaga o pagrespeto ang baawat isa sa kanila. Tayo ay hindi perpekto. Nagkakamali man minsan, hindi rin naman nila ito kagustuhan. Sa bawat typographical errors, wrong spellings atbp. ay hindi naman siguro sapat na dahilan upang tumigil na sa pagsusulat dahil minsan ay dala lang ito ng 'di magandang pagkakataon.

Kaya ngayon, gumawa ka na ng sanaysay at babasahin ko. Ngunit sa pamamaraang man ito o pasalita ay mabuti na rin ang maging maingat sa pagbibigay ng kuro-kuro. Lagi mong tatandaan na dapat ay wala kang natatapakan na tao.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

BANGUNGOT NG NAKARAAN

Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.

Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Bansa: KOREA, Ako: KOREANA

ANG POST NA ITO AY RATED SPG

Huwag seryosohin, mga personal na layunin
Mainggit 'wag na rin, sa gandang akin
Ngipin ay toothbrush-in upang hindi tartarin
I-enjoy na lang natin kalokohang binigyang-turing
Ako'y natatawa sapagkat nakangiti ka
Tila ba nababaliw ka na?
Hahahahahahahahahahahahahahaha
Halina't simulan na
Lahi ko ay Koreana
heto na talaga... (Hahahaha)



Isa ang Korea sa mga namamayagpag na bansa sa bawat sulok ng mundo sa kasalukuyan, dahil sa pagiging bihasa nila sa larangan ng pagkanta, sayaw, drama at marami pang iba. At narito ang 10 bagay na una kong gagawin kapag nakatungo na ako sa Korea:




1. Vampire mode-  walang tulugan, siyempre para maienjoy ng lubos ang bawat araw at gabi, ugh. Minsan na yan, matutulog ka pa ba?

2. Gagawin yung sa "The Selfie Song"- para may remembrance syempre, at para na rin mainggit ko ang mga kaibigan kong naiwan dito sa Pilipinas. Haha (sa BOXES at POLYGON BABIES)

3. Forever Gala, haha!- alam ko namang sandali lang ang panahong lalagiin ko doon. Malay mo isang linggo lang yan, magpapahinga ka pa.

4. Ibebenta ang sarili (literal? haha)- kailangan ng landi para makahanap ng poging Koreanong fafang mayaman, mabawi ko man lang yung pamasaheng gagastusin sa papunta at pabalik. Be wise, We only live once! Hahahahahahahahaha

5. Trip sa Seoul- syempre dahil nandoon na nga ako at gusto ko rin namang malaman pa ng mas malawig ang kanilang tradisyon, kultura, at ibat-iba pang produkto ng bansa nila.

6. Artista hunting- so heto na nga, isa ito sa mga pinakagusto kong gawin ang mang-hunting ng mga Korean artists. Sila naman ang pupuntahan ko sa pagkakataong ito! Hahahaha tapos magpapa-picture ako at ia-upload ko sa FB, Ig, at Twitter ko kaya i-follow niyo na ako, nasa taas naman ang aking mga usernames. Hihihi

7.-10. Ano kaya?- sa buhay may mga pagkakataong hindi talaga natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tanggapin na lamang natin ito, at huwag masyadong umasa sa mga bagay na ating inaasam sapagkat masasaktan ka lang! Dahil kung ano pa ang mga ito ay siya pang hindi nagaganap.


Ang saya lamang ng aking pakiramdam habang ginagawa ko ang paskil na ito, iniisip ko na talaga na nangyayari na, at kung ano ang hitsura ko sa mga pagkakataong ibinigay ko. Hahahahahahaha pero sa kabila nito ay tila isang panaginip dahil imposible naman ang makapunta ako ng Korea. Huhuhu- Sige hanggang dito na lamang, paalam!

Lunes, Agosto 24, 2015

HUWAG BASAHIN ni Maria

http://blognimaria.blogspot.com/2015/08/huwag-basahin.html

Sa lahat ng mga blog na aking nabasa mula sa aking mga kamag-aral ay ang "Huwag Basahin" ni Maria Angelika Iwag ang aking pinakanagugustuhang paskil dahil dito niya ibinuhos lahat ng kaniyang damdamin tungkol sa taong kaniyang hinahangaan. Maaaring ito ay magsilbing aral sa mga taong umaasa, at pagbubukas ng isipan sa mga taong paasa. Dahil dito ay nasa ayos na naipahayag ni Maria ang kaniyang hinanakit. 

Marahil ito ay tungkol sa pag-ibig ni Maria ngunit  nagkaroon ako ng repleksyon, na huwag umasa ng tuluyan sa mga bagay na alam nating imposible naman- masasaktan ka lang. At sa pagkamit ng pangarap na mabigo man minsan ay patuloy pa ring lumaban, at gamitin ang pagkabigong karanasan sa pagharap sa mga bagong laban.

Lunes, Agosto 17, 2015

Pagtatapos na tutungo sa Panibagong Simula

       Sa unang markahan, marami akong natutunan tulad ng tungkol sa mga uri anyo at paggawa ng tula, alamat, kwento atbp., kasama na rin ang pagsusuri at mga elemento na bumubuo upang mas mabigyang-linaw ang bawat kahulugan, pangungusap o parirala, gaya ng transitional devices, pang-ukol, pangatnig, pang-angkop o mga kilalang pang-ugnay. Nalaman ko rin ng mas malalim ang pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan, at kung paano iuuri ang sanaysay mula sa dalawang halimbawa nito- pormal, di-pormal. 

       Kasama rin sa aking mga natutunan ang pagsusunod-sunod ng pangyayari sa isang kwento at mga elemento nito kasama ang tauhan, tagpuan at banghay. Pati na ang paggamit ng mga salitang naglalarawan; paghahambing at pagtutulad ng isang bagay o pangyayari ay naging rin parte ng aking pagkatuto.

         Isa pa sa mga mahahalaga kong nadiskubre sa markahan ay ang natatagong tradisyon ng bawat bansa na aming tinalakay, partikular sa Timog-Silangang Asya. Ito ay sa pamamagitan ng mga panitikang naghahatid ng mga impormasyon tungkol at nagmula rin sa kanila.

      Sa kabilang dako, iba rin ang aking naging karanasan sa bawat bagay na sa ami'y pinagawa, dahil dito ay nasubok ang aking kakayanan. Isa na rito ang paggawa ng tula, pagvivideo sa sarili habang binabasa ang nagawa at pagaupload nito sa facebook, sa kabila ng aking pagkahiya ay patuloy ko pa rin itong ginawa sapagkat ako ay maaaring mawalan ng marka- dito ko napatotohanang "Wala kang mararating kung mahiyain ka", na hindi mo maisasagawa o maaabot ang iyong nais o pangarap kung hiya ang ipaiiral ngunit ito ay dapat na para sa tama.

     Sa susunod na markahan, inaasam ko na mas marami pa akong malalaman at matututunan na maaari kong magamit sa aking pangaraw-araw na buhay, kagaya dito sa blog na magkaroon pa ako ng mas maraming kaalaman sa paggawa ng aking mga sulatin. At sa paglalakbay sa ibang bahagi sa kontinente ng Asya, Kanluran partikular, sana ay mas mapalawig pa ang aking kaalaman tungkol sa kanilang tradisyon at kultura lalo na sa Korea. Masubok rin sana sa markahang ito ang aking kalakasan at kahinaan na maaari kong magamit sa mga susunod pa.