Ipinapakita ang mga post na may etiketa na irog. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na irog. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Agosto 27, 2015

TROJAN WAR

Sa pagdaan ng panahon napakaramarami ng mga palabas ang umusbong maaring ito ay patungkol sa mga pag-ibig, kabayanihan, at mga modernong kaisipan sa panahon ngayon. Kadalasan ay may natututunan tayo sa mga ito, may mga pagkakataon pa nga na nakararamdam tayo ng pagkainis sapagkat natatalo ang bida at hindi nagkakaroon ng happy ending. Isa sa mga pelikulang napanood ko ay ang Trojan War, masasabi kong iba ito sa mga napanood ko na, dahil sa kakaibang twist na inihahatid nito sa mga manonood na siya naman ring kapupulutan ng aral tulad ng pagtalakay nito sa pag-ibig, pagiging magiting, kabayanihan, at higit sa lahat ang Kasaysayan na ibinibida kung ano ang meron sa mga Greek noong nagsisimula pa lamang nilang hubugin ang kanilang pamumuhay patungo sa kasalukuyan.

Nagsimula ang nasabing pelikula sa pag-ibig. Nang dahil sa angking ganda ni Helen, siya ay pinag-aagawan ng mga prinsipe. Siya ay sumama kay Paris patungong Troya at iniwan ang kaniyang asawa na si Menelaus, dahil dito ay nagpahayag ng digmaan si Menelaus laban sa Troya upang mabawing muli ang kaniyang reynang si Helen. Marahil ay kung hindi siguro ipinuslit ni Paris si Helen ay wala ng gulo, at hindi na magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga taga-Troya at taga-Isparta. At sa pangyayaring ito, mahihinuha ko na iba ang nagagawa ng pag-ibig sa sangkatauhan.

Sa digmaang ito, si Achilles at Hector ang mga pinakamagigiting na mandirigma. Patunay rito ay nang sabihin ni Hector kay Patroclius na, “These are the days of my glory, and perhaps Achilles himself will fall to my sword”, isa rin ito sa mga katagang hindi ko malilimutan, dahil dito ipinahihiwatig ang angking katapangan at kalakasan ni Hector, maging na rin ni Achilles. Sa laban din nilang ito pinairal ng dalawa ang kanilang ginagawa ay para sa pag-aalay at pagsasakripisyo  sa kanilang mga diyos, bayan at minamahal.

Sa kabilang dako, hindi ko rin malilimutan ang angking kahusayang ipinakita ng mga Griyego. Dahil sa pagbuo ng malaking Kabayong kahoy o Wooden Horse sila ay nagwagi, tinatawag rin itong “Kabayong Troyano”. Ito ang naisip na paraan ni Odyssues sapagkat nahihirapan silang pasukin ang Troy dahil sa mga tauhang mahuhusay pagdating sa pagpapana o archers. Naisagawa nila ito sa paraang may mga tauhan ang Griyego na naglagay ng Kabayong kahoy sa dalampasigan at lumisan sa pamamagitan ng kanilang mga Bangka. Nakita ang Kabayo ng mga Troyano at inisip na hudyat na ito ng pagsuko ng mga Griyego at pagtigil sa pag-aasam na magwagi sa laban, inisip nila na isa itong handog mula sa mga Griyego. Hinila ng mga Troyano ang Kabayo papasok sa Troya at nagdiwang sa inaakalang pagkapanalo sa digmaan. Dahil ang hindi nila alam na may mga mandirigmang Griyego ang nakakubli sa loob ng Kabayong kahoy at sa pagsapit ng gabing iyon, naglabasan sila at binuksan ang mga tarangkahan at sinunog ang mga kabahayan. Isa pa sa mga nakagugulat, ay ang mga Griyegong naghatid ng kabayo at umalis gamit ang mga Bangka ay isa lamang pa lang pagpapanggap dahil sila ay nagtago sa likod ng mga pulo at nagbalik sa gabing iyon hudyat na napagwagian nila ang digmaan.

Sa karagdagan, Isa pa sa mga hindi ko malilimutang parte ng pelikula ay noong magpanggap si Patroclius, pinsan ni Achilles, na siya ang si Achille kaya mangyaring napatay siya ni Hector. At bilang paghihiganti tinalo at pinatay rin ni Achilles sa isang laban si Hector, na nakita kong mali dahil hindi ito kasalanan ni Hector, dahil nag-ugat ito sa kawalan ng pagbibigay halaga ni Patroclius sa kaniyang buhay dahil kung mahal niya ang kaniyang buhay ay hindi siya magpapanggap at lalaban sa taong hindi naman niya kapantay ang lakas. At kung hindi rin naman niya inangking siya si Achilles ay hindi rin siya papatayin ni Hector.

Sa pagtatapos, maihahalintulad ko ito sa mga napanood ko nang palabas na hindi happy ending, dahil ang tauhang pinakahahangaan ko sa kagitingan, katapangan at kalakasan ay natalo sa hindi sinasadyang pagpunterya sa kaniyang kahinaan, espisipikong si Achilles nang mapana siya ni Paris sa kaniyang sakong.


Sa lahat ng ito, kaiba ang aking nararamdaman sa panonood ng Trojan War dahil marami akong natutunan sa mga aspetong ibinida nila rito- pagmamahalan, katapangan o kung ano pa man. Marami rin akong mga natutunan lalong-lalo na sa kasaysayan ng mga Griyego. Nakabibilib ang kanilang mga paniniwala sa mga Diyos na kaiba sa lahat. Ang mga Diyos na kanilang kinikilala ay tila isang pangkaraniwang tao lamang na nakararamdam ng pagmamahal, sakit, ligaya atbp. maging ang kamatayan ay kanilang nararanasan.


Picture Source:

Linggo, Agosto 2, 2015

AKING TULA: Labing-limang buhay galing kay Nanay

URL NG AKING VIDEO PARA SA TULA: https://www.facebook.com/ryandavee.loreno/videos/938318612893681/?pnref=story



Nang iyong inilabas,
Sakit na ang dinanas
Ngunit tiniis ang lahat
Masugatan man ang balat

Sa unang taon itinuon
Pangangailangan ay tinugon
Binigyan ng pagkakakilanlan,
Pangalay pinagkaisipan

Sa sunod, pag-arugay inalay,
Inalay pati na rin ang buhay,
Buhay na hindi mapapantayan,
Maging yan ay kahit kanino man

Pagtitiyaga naman ang tinumbok,
Pinaglaban sa lahat ng pagsubok,
Tinakpan, sinahuran ang mga tulo
At bilang pagtupad sa mga pangako

'kaapat ng taon ko
At kahit na umugod
Suporta lang maihandog,
‘di pumalya, ‘di nagsawa

Maging pasensya ay sinubok
At ‘di napagod kakakamot,
Malagas man lahat ng buhok,
Kulit ay hindi naging kurot

Sa unang tapak sa paaralan,
Ikaw pa rin ay nakagagabay,
Nakaantabay sa bawat hakbang
habang nakaalalay sa kamay

Nagkaroon ng magarbong handaan,
Bawat isa sa mga detalye'y hinimay,
Hiling ko'y lubos na pinagplanuhan,
Nangyari yan saking ikap'tong buhay

Bawat dapa't sugat nilunasan,
Bawat luha ay pinupunasan,
Sa bawat lungkot ay dinamayan,
Sa bawat hikbi ay inakbayan

Ganap sa simulay ‘di kumupas,
Ang mga problema may humasiwas,
Tinulungang umahon, umiwas,
Patuloy na gumabay sa dahas

Dumagdag pa ang taon,
Ikasampu na ngayon,
Lumaki ang kaylangan,
Tinuloy parin laban

Humirap pa ng humirap,
Nagsumikap, nagsumukap
Sa mga pagkakataong hindi sapat,
Tinaya ang buhay para sa lahat

Edad pa'y nagdagdag,
Naintindihan ang sistema,
Ang sistemang kinagisnan,
Kinagisnan pala'y kahirapan

Ako'y nagkaisip,
Nalaman ang tama sa mali,
Isip ko'y moderno,
Sa'yo naman ay kultural

Sinubok ang kakayahan,
Tinanong ang hindi alam,
Inalam ang kahinaan,
Hinubog ang kalakasan

Maaari ngang kaya ko na tumayo ng mag-isa,
Mga mali mo'y pinansin ko na,
Sa malamang ay magagalit ka
Kaya patawad irog kong ina

Minsan wala rin sa kagustuhan
Na ikaw ay labanan,
Nagtatalo man minsan,
Mahal ka pa rin magpakailanman

Sa mga bagay na hindi sinasadya,
Hingi ko'y tawad talaga,
Sapagkat sa binibigay mong buhay

Ikaw naman ay unti-unti kong pinapatay.