MORAL LESSON: HUWAG AGAD-AGAD MAG-REACT SA ISANG BAGAY, MAGTANONG MUNA PARA SA HULI HINDI IKAW ANG MAGMUKHANG TANGA. HAHAHA
I got addicted by His love that never fades. ♥ #ThanksG At totoo nga day! ito ang nag-iisang blog ko, kaya sundan mo na akuuu , para happy-happy tayuuu! At para sa mga tsismosa i-follow niyo na rin ako sa Fb (Ryan Dave Loreno). Doon kayo makakakuha ng balita all-day sa mga walang kwentang updates ko sa aking buhay. Pero minsan dito ko na inilalabas ang gusto kong ilabas. Hahahaha, Kung gusto mo tambayan 'to eh okay lang, pero lagi mong tandaan na hindi ako perpekto ha. Halina't masaya to, tara!
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lessons. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lessons. Ipakita ang lahat ng mga post
Sabado, Oktubre 10, 2015
KAILAN NAGING LANGGAM ANG IBON
Hapon ng sabado nang utusan ako ng nanay kong bumili ng miryenda. Napakabigat ng aking pakiramdam dahil inistorbo niya ang aking pamamahinga. Papalabas na ako ng pinto nang masalubong ko ang aking pinsang galing sa aming gate, pansin ko rin ang mga ibong nagkukumpulan sa isang bahagi ng simento at nag-aagawan ng pagkain. Nakaramdam ako ng pagkabigla ng sumigaw ang aking pinsan, "Langgam, langgam, langgam" nagtataka lamang ako dahil siya ay tuwang-tuwa habang ang mga kamay niya ay nakataas mas lalo akong nagulat ng dumiretso siya sa mga ibon, sa isip-isip ko lamang, "Naliliitan ba siya sa mga ibon, upang tawagin ito ng Langgam?". At dahil dito, tinanong ko siya, "Kailan naging langgam ang ibon?" kasabay pa nito ang aking pagtawa ng malakas, "HAHAHAHAHAHA". Ngunit napahiya naman ako sa naging tugon niya, "Bisaya term kasi, Hahaha". Sa pagkakataong ito, nagkaroon ako ng napakaraming kaalaman. Masyado akong naging mapanghusga. Akala ko kasi nawawala na siya sa sarili niya. Hindi muna kasi ako nagtanong, Hahahaha.
Biyernes, Setyembre 11, 2015
aBER, aBER, aBER, aBER!
Sa pagpasok ng BER months, napakarami nating inaasahan, ngunit sa kabila ng mga ito madalas mangyari ang hindi natin inaasam. Sa pagdaan ng panahon at bilis ng takbo nito ay tila hindi na natin namamalayan ang araw, kahit ako ay waring nagulat sapagkat September na, tapos bukas October tapos Nobyembre at Disyembre, inaalala ko ang lahat at totoo nga napakarami na ang nagdaan.
Naghahalong emosyon ang aking naramdaman ng dumasting na ang buwan ng BRE. Nandyan ang pakiramdam kong masaya, sapagkat darating na naman ang pasko at magsasama-samang muli ang aming pamilya habang pinagsasaluhan ang handa ng Panginoon. #Pasko2015
Sa karagdagan, nagagalak din ako sapagkat may trabaho na ang aking ate(kapatid) at sa inaasahan ay magkakaroon siya ng bonus sa December epekto ng mas maraming handa. Hahahaha
Ngunit sa kabilang dako, nalulungkot din ako sapagkat baka maging katulad din ng pangyayari ng nagdaang pasko at wala akogn natanggap na regalong materyal at tila rin hindi nagparamdam ang aking mga natalagang ninong at ninang pero ayos lang din naman dahil ang mahalag ay buhay ako anuman ang mangyari. Haha
Napakarami kong nararamdaman sa tuwing papasok ang BER months naghahalong emosyon at pangamba pero sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagtanggap at pagharap sa kung ano man ang mangyari sa araw-araw. At ang aral na ibinibigay ng nakaraan at ibibigay ng hinaharap, marami mang mga bagay ang nangyayari at hindi nangyayari ay marunong pa rin dapat tayong maging positibo sa mga pagkakataon sa kasalukuyan.
PS.
#Love
#God
#God
#MaligayangPasko2015
#MerryChristmas2015
#HappyPassedOveroftheLamboftheGOD
Mga etiketa:
BOXES,
Buhay,
dream,
G9,
G9ABeaters,
God,
Grade9,
Ina,
inspirasyon,
lessons,
Mama,
markahan,
MWGang,
optimistic,
pag-asa,
pag-unawa,
pagkatuto
Lunes, Agosto 24, 2015
SALOOBIN KO SA SALOOBIN MO
Paano nga ba maipahahayag ang saloobin natin tungkol sa isang bagay, tao o ano pa man? Paano natin ito magagawa ng hindi nakasasakit ng damdamin ng iba? Maari ba tayong magbigay ng saloobin sa lahat ng oras?
Sa mga Makata, ay may ibat-ibang paraan ng pagpapahayg ng saloobin. Mayroong mga makatang gumagamit lamang ng bolpen at papel upang magbigay opinyon sa paksa, tulad ng sa dyaryo- ang pamamaraang ito ay mas kinikilalang pagpapahayag ng pasulat. Sa kabilang dako, maaring makapagpahayag rin ang isang tao ng kaniyang saloobin sa pamamaraan ng pasalita, halimbawa ng sa Telebisyon.
Sa karagdagan, para sa akin, ay marami pa talagang paraan ng pagpapahayag gaya ng sa mga pipi o tinatawag na sign language sapagkat sila ay walang kakayahang magsalita. Mayroon rin namang dulot ng makabagong teknolohiya tulad ng sa blog na ito na minsang nagsisilbi bilang labasan ng damdamin.
Sa lahat ng ito, ano man ang pamamaraang ginamit ay hindi dapat natin malimutan ang respeto sa bawat isa sa kabila ng mabuti o masama niyang ginawang binigyan natin ng reaksyon sapagkat ito ay karapatan niya bilang tao. At dapat rin nating alalahanin na hindi sa lahat ng oras ay marapat tayong magpahayag ng saloobin lalo na't lumalagpas na tayo sa sariling limitasyon at sa puntong panghihimasok sa buhay ng ibang tao dahil kadalasan ay wala tayong awtoridad na gawin ito- sa ngalan man ng batas.
Mga etiketa:
lessons,
natutunan,
opinyon,
pagkatuto,
pagpapahayag,
pangalawang markahan,
repleksyon,
saloobin
Lunes, Agosto 17, 2015
Pagtatapos na tutungo sa Panibagong Simula
Sa unang markahan, marami akong natutunan tulad ng tungkol sa mga uri anyo at paggawa ng tula, alamat, kwento atbp., kasama na rin ang pagsusuri at mga elemento na bumubuo upang mas mabigyang-linaw ang bawat kahulugan, pangungusap o parirala, gaya ng transitional devices, pang-ukol, pangatnig, pang-angkop o mga kilalang pang-ugnay. Nalaman ko rin ng mas malalim ang pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan, at kung paano iuuri ang sanaysay mula sa dalawang halimbawa nito- pormal, di-pormal.
Kasama rin sa aking mga natutunan ang pagsusunod-sunod ng pangyayari sa isang kwento at mga elemento nito kasama ang tauhan, tagpuan at banghay. Pati na ang paggamit ng mga salitang naglalarawan; paghahambing at pagtutulad ng isang bagay o pangyayari ay naging rin parte ng aking pagkatuto.
Isa pa sa mga mahahalaga kong nadiskubre sa markahan ay ang natatagong tradisyon ng bawat bansa na aming tinalakay, partikular sa Timog-Silangang Asya. Ito ay sa pamamagitan ng mga panitikang naghahatid ng mga impormasyon tungkol at nagmula rin sa kanila.
Sa kabilang dako, iba rin ang aking naging karanasan sa bawat bagay na sa ami'y pinagawa, dahil dito ay nasubok ang aking kakayanan. Isa na rito ang paggawa ng tula, pagvivideo sa sarili habang binabasa ang nagawa at pagaupload nito sa facebook, sa kabila ng aking pagkahiya ay patuloy ko pa rin itong ginawa sapagkat ako ay maaaring mawalan ng marka- dito ko napatotohanang "Wala kang mararating kung mahiyain ka", na hindi mo maisasagawa o maaabot ang iyong nais o pangarap kung hiya ang ipaiiral ngunit ito ay dapat na para sa tama.
Sa susunod na markahan, inaasam ko na mas marami pa akong malalaman at matututunan na maaari kong magamit sa aking pangaraw-araw na buhay, kagaya dito sa blog na magkaroon pa ako ng mas maraming kaalaman sa paggawa ng aking mga sulatin. At sa paglalakbay sa ibang bahagi sa kontinente ng Asya, Kanluran partikular, sana ay mas mapalawig pa ang aking kaalaman tungkol sa kanilang tradisyon at kultura lalo na sa Korea. Masubok rin sana sa markahang ito ang aking kalakasan at kahinaan na maaari kong magamit sa mga susunod pa.
Mga etiketa:
bukas,
karanasan,
lakas,
lessons,
markahan,
naramdaman,
pagkatuto,
pagmamahal,
pagsubok,
pagtatapos,
pangalawang markahan,
produktibo,
salamat,
tiwala,
tutungo,
unang markahan
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)