Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaibigan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaibigan. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Setyembre 17, 2015

BANGUNGOT NG NAKARAAN

Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.

Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.

Lunes, Hulyo 20, 2015

AKING MGA KAIBIGAN

Mula man sa ibat-ibang bayan,
iba-iba man ng pinaggalingan,
atlist may kaisahan,
ang PAGKAKAIBIGAN

Hindi man perpekto,
alam naman ang totoo,
minsan mang nagtatalo,
madalas paring nagkakasundo

Marami mang problema
hindi kinakalimutang tumawa,
at sa lahat ng ginagawa
ay pinipiling maging masaya

Nagkakamali man minsan,
kayang itama naman,
pagkat alam ang dapat,
pati na rin ang pagiging tapat

Sari-sari man ang mga katangian,
iisa lang ang kaisipan,
ang pagkakaibigang tutularan
ngunit hindi mapapantayan nino man.




MWGang-BOXES-G9ABeaters ft. Reneva bonding. Sa bahay ni babapple. Jul. 30.