Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mama. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mama. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Setyembre 11, 2015

aBER, aBER, aBER, aBER!

    Sa pagpasok ng BER months, napakarami nating inaasahan, ngunit sa kabila ng mga ito madalas mangyari ang hindi natin inaasam. Sa pagdaan ng panahon at bilis ng takbo nito ay tila hindi na natin namamalayan ang araw, kahit ako ay waring nagulat sapagkat September na, tapos bukas October tapos Nobyembre at Disyembre, inaalala ko ang lahat at totoo nga napakarami na ang nagdaan.

    Naghahalong emosyon ang aking naramdaman ng dumasting na ang buwan ng BRE. Nandyan ang pakiramdam kong masaya, sapagkat darating na naman ang pasko at magsasama-samang muli ang aming pamilya habang pinagsasaluhan ang handa ng Panginoon. #Pasko2015

     Sa karagdagan, nagagalak din ako sapagkat may trabaho na ang aking ate(kapatid) at sa inaasahan ay magkakaroon siya ng bonus sa December epekto ng mas maraming handa. Hahahaha

        Ngunit sa kabilang dako, nalulungkot din ako sapagkat baka maging katulad din ng pangyayari ng nagdaang pasko at wala akogn natanggap na regalong materyal at tila rin hindi nagparamdam ang aking mga natalagang ninong at ninang pero ayos lang din naman dahil ang mahalag ay buhay ako anuman ang mangyari. Haha

       Napakarami kong nararamdaman sa tuwing papasok ang BER months naghahalong emosyon at pangamba pero sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagtanggap at pagharap sa kung ano man ang mangyari sa araw-araw. At ang aral na ibinibigay ng nakaraan at ibibigay ng hinaharap, marami mang mga bagay ang nangyayari at hindi nangyayari ay marunong pa rin dapat tayong maging positibo sa mga pagkakataon sa kasalukuyan.

PS.



#Love
#God
#MaligayangPasko2015
#MerryChristmas2015
#HappyPassedOveroftheLamboftheGOD

Sabado, Agosto 29, 2015

Hoooooy, GISING!

Alas 3 ng hapon nang maramdaman ko ang pagod , at kumain lamang ako ng sandali pagkatapos ay natulog. Ipinagpaliban ko muna ang mga nakaatas sa aking gawaing-bahay. Ngunit sa sarap at himbing ng aking pagkakatulog ay kadahilanang tumagal ito ng ilan pang mga oras. Maya-maya ay narinig ko na ang boses ng aking Ina, "Anak, gumising ka na, ang mga hugasan mo nilala ngaw na. At  mamayang gabi baka hindi ka na naman makatulog. Mapuyat ka na naman!" binalewala ko ito sapagkat ang isip ko'y gising na,  ang katawan ko naman ay tila natutulog pa. Dumagdag pa ang oras at nakailang balik na si Mama pero matatag pa rin kami ng kama. Hanggan sa nagbabadya nang umulan rinig ko ang galit ng langit sa kwarto, at may narinig na naman akong tinig, "Ryan, tumayo ka na dyan", ngunit sa oras na ito ay isang boses lalaki at si Papa naman. Sa pangalawang pagkakataon, binalewala ko ulit ito. Dumagdag ng dumagdag pa ng dumagdag ang oras, at sa kalagitnaan nito ang ang di-inaasahang pagbagsak ng ulan na naging rason upang mapasarap pa lalo ang aking tulog dahil sa lamig na nadarama ko. 

Sa kabila ng lahat ng ito, at pagbabalewala ko ng mga paggising sa akin, ay may narinig na naman akong pagbabadya ng pagpuputol ng aking mahimbing na pamamahinga, ngunit sa pagkakataong ito ay iba na, ibang-iba na, hindi na si Mama at Papa- kakaibang pandinig na hindi ko inaasahan, pandinig na gumimbal sa aking damdamin, nagpaiyak, at nagpabilis ng  aking tibok ng puso, sobra ako na-touch sa oras na ito, rason ng aking biglaang pagkagising- gising na gising, wala na talaga akong ibang nagawa kundi ang sumigaw, "OH MY GOSH!!!". Sa paglalahat, maluha-luha ako ng lubos nang marinig ko ang tinig ng langit- ang kulob na nagpabingi at kidlat na nagpamanhid at nagpalitaw  ng aking adrenalin rush, sa pagkakataong ito tila nasa ibabaw sila ng aming bubong na nagsasabing, "HOOOOOY, GISING!!!"

PS. Laking pasasalamat ko lang talaga at nabuhay pa ako. Nakakaloka! Hahahahahahaha, Napa-Oh My Gosh! ng wala sa oras!

Linggo, Agosto 2, 2015

AKING TULA: Labing-limang buhay galing kay Nanay

URL NG AKING VIDEO PARA SA TULA: https://www.facebook.com/ryandavee.loreno/videos/938318612893681/?pnref=story



Nang iyong inilabas,
Sakit na ang dinanas
Ngunit tiniis ang lahat
Masugatan man ang balat

Sa unang taon itinuon
Pangangailangan ay tinugon
Binigyan ng pagkakakilanlan,
Pangalay pinagkaisipan

Sa sunod, pag-arugay inalay,
Inalay pati na rin ang buhay,
Buhay na hindi mapapantayan,
Maging yan ay kahit kanino man

Pagtitiyaga naman ang tinumbok,
Pinaglaban sa lahat ng pagsubok,
Tinakpan, sinahuran ang mga tulo
At bilang pagtupad sa mga pangako

'kaapat ng taon ko
At kahit na umugod
Suporta lang maihandog,
‘di pumalya, ‘di nagsawa

Maging pasensya ay sinubok
At ‘di napagod kakakamot,
Malagas man lahat ng buhok,
Kulit ay hindi naging kurot

Sa unang tapak sa paaralan,
Ikaw pa rin ay nakagagabay,
Nakaantabay sa bawat hakbang
habang nakaalalay sa kamay

Nagkaroon ng magarbong handaan,
Bawat isa sa mga detalye'y hinimay,
Hiling ko'y lubos na pinagplanuhan,
Nangyari yan saking ikap'tong buhay

Bawat dapa't sugat nilunasan,
Bawat luha ay pinupunasan,
Sa bawat lungkot ay dinamayan,
Sa bawat hikbi ay inakbayan

Ganap sa simulay ‘di kumupas,
Ang mga problema may humasiwas,
Tinulungang umahon, umiwas,
Patuloy na gumabay sa dahas

Dumagdag pa ang taon,
Ikasampu na ngayon,
Lumaki ang kaylangan,
Tinuloy parin laban

Humirap pa ng humirap,
Nagsumikap, nagsumukap
Sa mga pagkakataong hindi sapat,
Tinaya ang buhay para sa lahat

Edad pa'y nagdagdag,
Naintindihan ang sistema,
Ang sistemang kinagisnan,
Kinagisnan pala'y kahirapan

Ako'y nagkaisip,
Nalaman ang tama sa mali,
Isip ko'y moderno,
Sa'yo naman ay kultural

Sinubok ang kakayahan,
Tinanong ang hindi alam,
Inalam ang kahinaan,
Hinubog ang kalakasan

Maaari ngang kaya ko na tumayo ng mag-isa,
Mga mali mo'y pinansin ko na,
Sa malamang ay magagalit ka
Kaya patawad irog kong ina

Minsan wala rin sa kagustuhan
Na ikaw ay labanan,
Nagtatalo man minsan,
Mahal ka pa rin magpakailanman

Sa mga bagay na hindi sinasadya,
Hingi ko'y tawad talaga,
Sapagkat sa binibigay mong buhay

Ikaw naman ay unti-unti kong pinapatay.

Martes, Hulyo 28, 2015

KARANASAN: Sabado at Linggo

     Sabado ng umaga nang magising ako. Ang sarap lamang sa aking pakiramdam dahil wala akong masyadong iniisip na mga takdang aralin- yung tipong pagkamulat ko sa aking higaan ay ngiti na ang bubungad. Wala akong ginawa sa araw na ito kung hindi ang kumain, matulog at tapusin ang mga kakaunting gawaing-bahay hanggang sa umabot na ang kinagabihan nang hindi man lang ako napapagod, at nang ako ay matulog ay payapa parin ang aking nadarama.

        Umaga pa rin nang ako'y magising ngunit ito ay sa araw na ng linggo. nagising ako ng may galak pa rin sa mga labi.

         Kung ikukumpara sa araw ng kahapon (sabado), ay tila na mas marami akong ginawa ngayon- sa aking pagtayo sa higaan niligpit ko ito, sunod ay kumain, at makatapos naman ay sinimulan ko na ang ibang mga gawaing-bahay. At nang magawa ko na lahat ng kailangan ay pagpapahinga naman ang aking inatupag hanggang sa pagsapit ng gabi. 

          Sa pagaakala pa ring wala akong mga takdang aralin, ay minarapat kong bisitahin at siguraduhin sa aking mga kwaderno, at nang makita ay tila isang gabundok na labahan ni mama ang mga ito. Agaran ko rin naman itong ginawa at halos maghahating-gabi na nang ako ay natapos at natulog ngunit ayos lamang dahil lahat naman ay nagawa ko ng matiwasay at naayon. Hanggang ngayon ay maayos at payapa parin ang pakiramdam ko.

        Sa lahat ng ito, iba talaga ang Panginoon. Salamat sa kaniya, dahil sa lahat ng bagay na aking ginagawa ay parati siyang nandiyan upang gumabay na tulad ng aking mga magulang. Salamat po Panginoon, pati sa inyo Mama at Papa.