Ipinapakita ang mga post na may etiketa na G9. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na G9. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Nobyembre 2, 2015

T H E R E P L Y 1 0 1

Alam mo ba? Alam mo ba kung bakit nagbago sila? Ni minsan ba kinumpronta mo sila o kinausap man lang kung bakit nagkaganoon sila? Mag-isa ka, sampung-libo sila, sino amg dapat makisama? Nagtaka rin sila kung bakit nagkaganyan ka. Alam mo ba kung bakit sa bahay mo ay hindi na sila nagpupunta? Kasi nasaktan sila noong sinumbatan mo sila. Umuuwi ka ng maaga dahil walang kumakausap sayo kapag nagtagal ka? Nagtanong sila, ni minsan ba sinubukan mo na? Ang daming taong naghahanap sayo hindi ka nila makita paano inuuna mo yung sarili mong trip kesa makasama sila. At pag kausap mo sila iba rin yung gusto mong topic, tatanungin ka ulit nila, sino ang dapat makisama sila ba? O ikaw lang mag-isa. Ni minsan ba nag-open ka sa kanila? Hindi diba. Noong birthday mo, alam mo ba kung bakit 'di sila nagpunta? Kasi pinangunahan mo sila na wala kang handa. Alam mo ba na nagbalak pa rin silang dumalo? Pero patuloy mo pa ring hinarangan silahinarangan sila ng katagang "'wag na kayong pumunta dahil hindi nagluto si mama". Alam mo ba kung bakit hindi pa rin sila tumuloy? Kasi nga baka walang handa at makaramdam ka ng hiya. Sarili mong salita ang papatay sa'yo. Alam mo ba kung bakit sila lumayo? Lumayo ka rin, nauna ka pa. Sa tuwing magkikita kayo, ni minsan ba naghello ka? Sa ruwimg magsasalubong kayo at binati ka nila, sumagot ka ba? Alam mo lahat ng sa'yo naaappreciate nila. Hindi ka lang marunong magbalik, nagsawa lang siguro sila, nasaktan eh. Napahiya. Napansin nga rin nila, kinakausap mo lang sila 'pag may kailangan ka. Sa panahong masaya ka, iba ang pinipili mong kasama ngunit sa kasagsagan ng kahirapan hinahanap mo sila. At 'pag katapos niyong mapagtulungan, lahat ng mali nakikita mo, lahat na rin sinusumbat mo. Hindi mo ba pansin ikaw na madalas ang umaako ng gawain? Ngnuit kinabukasan masakit na salita sa mukha nila'y isasampal. Okay lang naman daw, ngunit wala ka bang puso? Bakit kailangan pang sa harap ng karamihan? nagTaka si ganda nalamog kaniyang braso, nagkaroon pa ng violet na tatoo tumabi lang daw siya sa iyo? Nakakita ka lang naman daw ng gwapo. Isa pa pala daw, bakit mo kailangang magmalinis? Walang taong perpekto para ipaalala ko sa'yo. Ano bang gusto mong ipamukha sa kanila? Kalangitan ka, Impyerno sila? Akala mo ba ikasasaya nila ang iyong binabalak? Pero bahala ka na daw, pano ka daw ba kasi makikinig sa mga taong itinuring kang espesyal noon ngunit hindi na ngayon sumabay ka kasi sa pagbabago ng panahon, iniwan mo sila sa dating galaw niyo noon. Salamat! Salamat daw sa pagbabago mo nakita nila ang tunay na mundo. Alam mo ba? Alam mo bang nalungkot si ganda habang ito ay ginagawa niya? Nagtanong ulit siya, "Bakit nagbago kasi siya?" may sumagot "siguro kasi mas pinili niya yung iba kesa sa inyo" sumagot si ganda, "hayaan ka na daw masaya ka diyan eh". Pero gusto lang din nila na maayos ‘to, kaya sorry daw sa mga nagawa nila. Sana wala ng problema happy-happy na tayo. Sorry na BB. :)


Linggo, Oktubre 11, 2015

BEST OF THE BEST

We had run a long way
Variant of pessimist they say
Reminiscing yesterday we shared
Understanding scene how we stared

Making better to best 
Nauseous impedent asiding at rest
The best is having rabid friends
Luckily to be present in POLYGON and BOXES.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

BANGUNGOT NG NAKARAAN

Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.

Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.

Biyernes, Setyembre 11, 2015

aBER, aBER, aBER, aBER!

    Sa pagpasok ng BER months, napakarami nating inaasahan, ngunit sa kabila ng mga ito madalas mangyari ang hindi natin inaasam. Sa pagdaan ng panahon at bilis ng takbo nito ay tila hindi na natin namamalayan ang araw, kahit ako ay waring nagulat sapagkat September na, tapos bukas October tapos Nobyembre at Disyembre, inaalala ko ang lahat at totoo nga napakarami na ang nagdaan.

    Naghahalong emosyon ang aking naramdaman ng dumasting na ang buwan ng BRE. Nandyan ang pakiramdam kong masaya, sapagkat darating na naman ang pasko at magsasama-samang muli ang aming pamilya habang pinagsasaluhan ang handa ng Panginoon. #Pasko2015

     Sa karagdagan, nagagalak din ako sapagkat may trabaho na ang aking ate(kapatid) at sa inaasahan ay magkakaroon siya ng bonus sa December epekto ng mas maraming handa. Hahahaha

        Ngunit sa kabilang dako, nalulungkot din ako sapagkat baka maging katulad din ng pangyayari ng nagdaang pasko at wala akogn natanggap na regalong materyal at tila rin hindi nagparamdam ang aking mga natalagang ninong at ninang pero ayos lang din naman dahil ang mahalag ay buhay ako anuman ang mangyari. Haha

       Napakarami kong nararamdaman sa tuwing papasok ang BER months naghahalong emosyon at pangamba pero sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagtanggap at pagharap sa kung ano man ang mangyari sa araw-araw. At ang aral na ibinibigay ng nakaraan at ibibigay ng hinaharap, marami mang mga bagay ang nangyayari at hindi nangyayari ay marunong pa rin dapat tayong maging positibo sa mga pagkakataon sa kasalukuyan.

PS.



#Love
#God
#MaligayangPasko2015
#MerryChristmas2015
#HappyPassedOveroftheLamboftheGOD

Lunes, Agosto 31, 2015

NCAE: First One Last Time

Sa una at magiging huli kung karanasan sa pagkuha  ng pagsusulit sa NCAE o National Carrer Assessment Examination, sobrang dami kong  natutunan, naramdaman  at naranasan. Sa ibat-ibang courses na aking naka-engkwentro na nagbibigay ideya sa akin kung ano  nga ba ang gusto ko sa kolehiyo. At sa isang araw na ito ay natapos ko na naman ang isang requirement na kailangan sa kinabukasan ko.

Ngunit…

“What is the 13% of P3,265.00?”

Dati-rati pinapangarap kong kumuha ng accounting, pero nang makit ko ang test dito ay parang gusto ko ng banatin ang utak ko upang masagutan lamang ang mga tanong nila isa-isa. Hahahahaha sabi ng mga accounting na kakilala ko, “Accounting isn’t about Math”, pero ano ‘to?

“Answer the Technical-Vocational Aptitude for 1 hour.”

Sa pagkakataong ito, nakaramdam rin ako ng lungkot sapagkat napakahaba ng oras na ibinigay sa amin upang sagutin ang bawat bahagi ng test. Ngunit para sa mga kasama ko ay 20 mins. lang ang kailangan nilang gugulin para dito. Hindi man lang nila seryosohin ang pagsusulit, nagtitila silang manghuhula sa bawat ‘shotgun’ na ginagawa nila. Lagi tuloy akong nahuhuli. Ewan ko ba! Hahahahahaha.

“Mag-break na kayo.”

Tuwing break, napapatanong ako sa aking sarili kung anong mangyayari sa 10 mins. na break. Hahahaha nakakaasar lang talaga kasi sa regular na klase namin araw-araw ay nakukulangan pa kami sa 20 mins. sa paglalakad pa lamang sa hallway at pagbaba sa hagdan ay kumukunsumo na ng ilang minuto, eh kung pipila pa kami sa canteen na pagkahaba-haba ay talagan malelate na kami kaya minsan ay hindi na kami nagbe-break. Sana naman ay mapalawig pa ang oras ng break para sa mga susunod na kukuha ng pagsusulit sa NCAE. Hahaha laking pasasalamat lang talaga namin ng makaabot kami sa lunch break.

 "Do you like to... (A-  Very much, B- Much, C- Very little, D- Not at all)"

Damdamin ko'y nagulantang nang makita ko ang 215 items na yun! Hahahaha sa iisang tanong na "Do you lik eto?..." pero habang sinasagutan ko ito ay nakapagtataka lamang dahil bakit hindi ko pa rin makita ang bagay na gusto ko. Malimit kong isagot ang letter A. Napagtanto ko na hanggang ngayon pala  ay tila wala pa akong plano sa kung ano ang kukuhain ko pagdatin sa kolehiyo. Pero  hindi ko na lang muna madadaliin ang aking sarili, matagal pa naman.

"Ayusin ang pagbibilog, gawin ng tama. Walang lagpas!"

 Ako'y napapaisip lamang sapagkat isa ang paraan ng pagsagot ng pabilog ang nakapagpapaubos ng oras, maari na lang siguro gawing mas mahaba na rin ang oras sa pagsasagot ng oras.

Sa kabilang dako, sa NCAE nakatagpo rin ako ng ibat-ibang tao, ibat-ibang katangian at kaugalian katulad ng nagbantay sa amin at gumabay na si Bb. Rona na mula pa sa ibang paaralan. Maganda si Ma'am at napakabait pa, minsan mang nagsusungit ngnuit kailangan, isa rin siya sa sumaksi kung paano namin tinapos ang pagsusulit. Salamat sa kaniya dahil sa paggabay niya sa amin, salamat din sa mga kasama kong maloloko. Hahahaha

Sa lahat ng ito, ay napakaraming na ituro sa akin ang isang araw ng NCAE. Isang araw na kakaiba. Isang araw na masaya, yung puro tawa kasama ang mga kaibigan at kakilala. Marami akong narealize tungkol sa future ko, maging na rin sa mga bagay na walang kabuluhan. Hahahahaha hanggang dito na lamang, Salamat sa Pagbabasa!