Ipinapakita ang mga post na may etiketa na optimistic. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na optimistic. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 4, 2015

SANAYSAY KO PARA SA'YO

Bawat isa sa atin ay hindi perpekto, may mga tao pa ring madalas magkamali sa pagsasalita o pagsusulat man na paraan. Dalawa kasi ang uri ng katangian ng bawat tao: maingay at tahimik.

Madalas sa mga maiingay ay puro salita, maganda rin ito dahil direkta mong nasasabi ang iyong opinyon sa isang paksa kasama ang iyong emosyon sa pamamagitan ng iyong mga ekspresyon. At agaran mo rin naman nalalaman ang opinyon ng iyong kausap.

Karaniwan naman sa mga tahimik ay hindi nagsasalita. Kaya napakahalaga ng sanaysay sa kanila. Dito kasi madalas ang gawi nila upang makapagpahayag ng saloobin o opinyon sa isang bagay. Sa pamamaraang ito ay marahil nakapagpapagaan ng kanilang kalooban. Sa kabilang dako, may mga tao rin namang mas mahilig magbasa kaysa makinig. Ang pagsulat din ng sanaysay ay isa sa mabilis na paraan upang mas maraming tao ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong pinapaksa. Katulad dito sa Social Media sites ay ilang pindot lang sa keyboard at isang click ng 'post' marami ng makababasa na mas maganda kung ikukumpara sa pasalita. Hindi mo rin naman siguro gugustuhing isa-isahin ang bawat tao upang pahayagan lamang ng iyong opinyon. Wala namang pangit na nagagawang sanasay ang bawat susmusulat nito. Kaya marahil ay natin bigyan-halaga o pagrespeto ang baawat isa sa kanila. Tayo ay hindi perpekto. Nagkakamali man minsan, hindi rin naman nila ito kagustuhan. Sa bawat typographical errors, wrong spellings atbp. ay hindi naman siguro sapat na dahilan upang tumigil na sa pagsusulat dahil minsan ay dala lang ito ng 'di magandang pagkakataon.

Kaya ngayon, gumawa ka na ng sanaysay at babasahin ko. Ngunit sa pamamaraang man ito o pasalita ay mabuti na rin ang maging maingat sa pagbibigay ng kuro-kuro. Lagi mong tatandaan na dapat ay wala kang natatapakan na tao.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Bansa: KOREA, Ako: KOREANA

ANG POST NA ITO AY RATED SPG

Huwag seryosohin, mga personal na layunin
Mainggit 'wag na rin, sa gandang akin
Ngipin ay toothbrush-in upang hindi tartarin
I-enjoy na lang natin kalokohang binigyang-turing
Ako'y natatawa sapagkat nakangiti ka
Tila ba nababaliw ka na?
Hahahahahahahahahahahahahahaha
Halina't simulan na
Lahi ko ay Koreana
heto na talaga... (Hahahaha)



Isa ang Korea sa mga namamayagpag na bansa sa bawat sulok ng mundo sa kasalukuyan, dahil sa pagiging bihasa nila sa larangan ng pagkanta, sayaw, drama at marami pang iba. At narito ang 10 bagay na una kong gagawin kapag nakatungo na ako sa Korea:




1. Vampire mode-  walang tulugan, siyempre para maienjoy ng lubos ang bawat araw at gabi, ugh. Minsan na yan, matutulog ka pa ba?

2. Gagawin yung sa "The Selfie Song"- para may remembrance syempre, at para na rin mainggit ko ang mga kaibigan kong naiwan dito sa Pilipinas. Haha (sa BOXES at POLYGON BABIES)

3. Forever Gala, haha!- alam ko namang sandali lang ang panahong lalagiin ko doon. Malay mo isang linggo lang yan, magpapahinga ka pa.

4. Ibebenta ang sarili (literal? haha)- kailangan ng landi para makahanap ng poging Koreanong fafang mayaman, mabawi ko man lang yung pamasaheng gagastusin sa papunta at pabalik. Be wise, We only live once! Hahahahahahahahaha

5. Trip sa Seoul- syempre dahil nandoon na nga ako at gusto ko rin namang malaman pa ng mas malawig ang kanilang tradisyon, kultura, at ibat-iba pang produkto ng bansa nila.

6. Artista hunting- so heto na nga, isa ito sa mga pinakagusto kong gawin ang mang-hunting ng mga Korean artists. Sila naman ang pupuntahan ko sa pagkakataong ito! Hahahaha tapos magpapa-picture ako at ia-upload ko sa FB, Ig, at Twitter ko kaya i-follow niyo na ako, nasa taas naman ang aking mga usernames. Hihihi

7.-10. Ano kaya?- sa buhay may mga pagkakataong hindi talaga natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tanggapin na lamang natin ito, at huwag masyadong umasa sa mga bagay na ating inaasam sapagkat masasaktan ka lang! Dahil kung ano pa ang mga ito ay siya pang hindi nagaganap.


Ang saya lamang ng aking pakiramdam habang ginagawa ko ang paskil na ito, iniisip ko na talaga na nangyayari na, at kung ano ang hitsura ko sa mga pagkakataong ibinigay ko. Hahahahahahaha pero sa kabila nito ay tila isang panaginip dahil imposible naman ang makapunta ako ng Korea. Huhuhu- Sige hanggang dito na lamang, paalam!

Biyernes, Setyembre 11, 2015

aBER, aBER, aBER, aBER!

    Sa pagpasok ng BER months, napakarami nating inaasahan, ngunit sa kabila ng mga ito madalas mangyari ang hindi natin inaasam. Sa pagdaan ng panahon at bilis ng takbo nito ay tila hindi na natin namamalayan ang araw, kahit ako ay waring nagulat sapagkat September na, tapos bukas October tapos Nobyembre at Disyembre, inaalala ko ang lahat at totoo nga napakarami na ang nagdaan.

    Naghahalong emosyon ang aking naramdaman ng dumasting na ang buwan ng BRE. Nandyan ang pakiramdam kong masaya, sapagkat darating na naman ang pasko at magsasama-samang muli ang aming pamilya habang pinagsasaluhan ang handa ng Panginoon. #Pasko2015

     Sa karagdagan, nagagalak din ako sapagkat may trabaho na ang aking ate(kapatid) at sa inaasahan ay magkakaroon siya ng bonus sa December epekto ng mas maraming handa. Hahahaha

        Ngunit sa kabilang dako, nalulungkot din ako sapagkat baka maging katulad din ng pangyayari ng nagdaang pasko at wala akogn natanggap na regalong materyal at tila rin hindi nagparamdam ang aking mga natalagang ninong at ninang pero ayos lang din naman dahil ang mahalag ay buhay ako anuman ang mangyari. Haha

       Napakarami kong nararamdaman sa tuwing papasok ang BER months naghahalong emosyon at pangamba pero sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagtanggap at pagharap sa kung ano man ang mangyari sa araw-araw. At ang aral na ibinibigay ng nakaraan at ibibigay ng hinaharap, marami mang mga bagay ang nangyayari at hindi nangyayari ay marunong pa rin dapat tayong maging positibo sa mga pagkakataon sa kasalukuyan.

PS.



#Love
#God
#MaligayangPasko2015
#MerryChristmas2015
#HappyPassedOveroftheLamboftheGOD

Linggo, Setyembre 6, 2015

UGALI AYUSIN SA IKAGAGANDA NATIN

Bakit kaya tila may mga tao pa ring hindi marunong tumanggap ng pagkatalo kahit alam naman nila yung dahilan nito? 
Sana minsan matuto naman tayong tumanggap ng mga negatibong bagay tungkol sa atin. Dahil hindi naman tayo perpekto at hindi kailanman magiging perpekto at laging tama. 
Matuto sana tayong harapin ang ating pagkabigo at pagkakamali minsan sa positibong paraan. Alamin din sana natin ang ating pagkukulang sa bawat isa, na hindi ito sana maging dahilan ng ating pagkatalo dahil may mga bagay na kaya namang daanin sa sipag at tiyaga.
Tanggapin na sana natin kahit minsan kung may mga grado tayong nakukuhang mababa, lalo na't alam nating sapat lamang ito sa ating nagagawa.
Kayanin din sana natin minsan na kontrolin ang ating emosyon sa mga bagay-bagay, lalo na't kung alam nating wala na sa tama.