Sabado ng umaga nang magising ako. Ang sarap lamang sa aking pakiramdam dahil wala akong masyadong iniisip na mga takdang aralin- yung tipong pagkamulat ko sa aking higaan ay ngiti na ang bubungad. Wala akong ginawa sa araw na ito kung hindi ang kumain, matulog at tapusin ang mga kakaunting gawaing-bahay hanggang sa umabot na ang kinagabihan nang hindi man lang ako napapagod, at nang ako ay matulog ay payapa parin ang aking nadarama.
Umaga pa rin nang ako'y magising ngunit ito ay sa araw na ng linggo. nagising ako ng may galak pa rin sa mga labi.
Kung ikukumpara sa araw ng kahapon (sabado), ay tila na mas marami akong ginawa ngayon- sa aking pagtayo sa higaan niligpit ko ito, sunod ay kumain, at makatapos naman ay sinimulan ko na ang ibang mga gawaing-bahay. At nang magawa ko na lahat ng kailangan ay pagpapahinga naman ang aking inatupag hanggang sa pagsapit ng gabi.
Sa pagaakala pa ring wala akong mga takdang aralin, ay minarapat kong bisitahin at siguraduhin sa aking mga kwaderno, at nang makita ay tila isang gabundok na labahan ni mama ang mga ito. Agaran ko rin naman itong ginawa at halos maghahating-gabi na nang ako ay natapos at natulog ngunit ayos lamang dahil lahat naman ay nagawa ko ng matiwasay at naayon. Hanggang ngayon ay maayos at payapa parin ang pakiramdam ko.
Sa lahat ng ito, iba talaga ang Panginoon. Salamat sa kaniya, dahil sa lahat ng bagay na aking ginagawa ay parati siyang nandiyan upang gumabay na tulad ng aking mga magulang. Salamat po Panginoon, pati sa inyo Mama at Papa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento