Linggo, Oktubre 4, 2015

PAPA FERNANDO, MAHAL NG ARISTOPOLO

Teacher's day na naman, panahon na ulit upang bigyan ng makahulugang pasasalamat ang mga guro. KAYA MARAMING SALAMAT PO SA MGA GURONG NABABASA ITONG PASKIL KO. Ngunit bago ang lahat, nais kong bigyang pasasalamat ang pinakaespesyal na guro sa aking buhay. Marinig pa lamang ng mga naging estudyante niya ang pangalan niya ay nagtataasan na ang mga kilay nila, kahit ako rin naman tila umuusok na ang ilong ko 'pag naririnig ko ang matatamis niyang pangalan. Iba kasi siya sa lahat, natatangi siya dahil hindi lang siya naging guro sa amin kundi tumayo rin siya bilang huwarang ama sa aming lahat. Iba kasi yung mga lesson na binigay niya sa amin, mga lesson na hindi namin malilimutan. Hindi lang siya nagpokus sa asignaturang kinabibilangan niya, hindi lang puro Physics, Biology, Chemistry at kung ano-ano pa. Lumayo siya sa mga lesson na dapat lang niyang ituro, he go beyond the limitations ika nga nila. More to life kasi yung mga ibinahagi niya sa akin. Tuwing tatayo nga siya sa harapan parang hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan dahil paniguradong may hatid surpresa na naman siya- kakaibang surpresa, lalo na yung on the spot jackpot niya na pamatay. Pero sa lahat ng ito, hindi pa rin matatawaran yung pagmamahal na ibinigay niya sa amin! Kaya nga grabe na lang yung iyak namin noong magtatapos na ang aming taon sa mga kamay niya. Sa totoo lang, naiinggit na nga ako sa mga bagong hawak niya kasi siya yung magiging tatay nila kaya napakaswerte talaga nila. Si Sir Fernando Timbal ang aking ibnibida, habang-buhay ko siyang ipagmamalaki sa bawat taong makikilala ko araw-araw! Sana mabasa niya ito. Mahal ka namin Sir. Hindi ka namin malilimutan- sinabi mo yan eh, hahahahahaha "Dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako malilimutan ng mga nahawakan kong estudyante. Una, natuwa sila sa akin dahil naging mabuting guro ako sa kanila, pangalawa, ay kinamuhian nila ako dahil sa pagiging masungit ko sa kanila". Isa lang naman yan Sir, it's just a matter of acceptance and appreciation because there is always two sides between each story- the good and the bad, but bad can be good if we see it happily and vice versa. Kung ako ang tatanungin siguro maaalala ka namin Sir sa dalawang dahilang sinabi mo. Tinanggap ka kasi namin sa kung ano ka kaya lahat ng masasama sa'yo (wala naman) tinanggap namin ng mabuti, idol ka namin eh, bilang isang tatay, guro at bilang ikaw. Sana hindi ka magpagod magmahal at magmahal ng magmahal kagaya ng ginagawa mo ngayon. Tsaka Sir mahanap mo na sana yung taong mamahalin mo habang-buhay para sumaya ka pa lalo at 'pag masaya ka, masaya din kaming mga anak mo. Alam ko namang kuntento ka na sa aming mga anak mo pero syempre iba parin tatay yung may katuwang, diba? Hahahahahaha Mahal ka namin TATAY. God Bless! Mwuapssszxc! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento