Miyerkules, Disyembre 30, 2015

ANG PEPE NG PINAS

Kilala mo ba si Pepe? Oh, ito nalang... kilala mo ba si Dr. Jose Rizal? Oo, tama siya rin ay si Pepe! Sino nga bang hindi makakaalam ng pambansang bayani ng ating bansa. Siyempre, tayo ay mga Pilipinp kaya bata pa lamang tayo ay ipinakikilala na sa atin ng ating mga guro si Rizal. Alm mo ba kung anong 'date' ngayon? Oo, Dec. 30 ngayon at ito ang araw kung saan natin ipiniagdiriwang ang kaniyang kamatayan, pero bakit nga ba natin ito ipinagdiriwang?

Si Rizal ay isa sa mga nagtanggol ng ating bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Bawat pagpapahirap na kaniyang dinanas ay kaniyang tiniis makamit lang ang kaniyang minimithi- ang ipagtanggol ang sariling bayan; ang kabutihang panlahat. Siya ay isang mabuting taong napakamakabayan na hindi naduwag na batikusin ang mga kastila mula sa maling estilo ng pagmamanipula ng buhay ng ating mga ninuno. Nakakalungkot lamang isipin na dahil lang sa kaniyang mabuting pangarap ay naging dahilan rin nang kaniyang pagkamatay. 'Firing Squad' ang ginawang pagpatay sa kaniya. Ngunit sa kahuli-huilihan naipamalas pa rin siya ang marubdob na pagmamahal sa bansa ng magawa pa niyang harapin sang 'bala' mula sa Silangan bilang pagpapatunay na hindi siya naging traydor sa ating bansa, na hanggang sa huli ay hindi siya natakot na ipakita ang pagmamahal sa ating bayan.

Oo nga, marapat lang natin itong ipagdiwang dahil siya ang ating pambansang bayani. Hindi lanmg kasi basta-basta na tao si Rizal! SIYA SI PEPE PERO HINDI SIYA SI PEPE 'LANG'. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento