Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.
Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.
I got addicted by His love that never fades. ♥ #ThanksG At totoo nga day! ito ang nag-iisang blog ko, kaya sundan mo na akuuu , para happy-happy tayuuu! At para sa mga tsismosa i-follow niyo na rin ako sa Fb (Ryan Dave Loreno). Doon kayo makakakuha ng balita all-day sa mga walang kwentang updates ko sa aking buhay. Pero minsan dito ko na inilalabas ang gusto kong ilabas. Hahahaha, Kung gusto mo tambayan 'to eh okay lang, pero lagi mong tandaan na hindi ako perpekto ha. Halina't masaya to, tara!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento