Ang "The Alchemist" ang isa sa aking pinakagustong nobela, dahil dito ay marami kang mapupulot na aral sa buhay at sa pagkamit ng iyong pangarap. Ito ay isinulat ni Paulo Coelho noong 1988 sa wikang Portugese at sa pagdaan ng panahon ay nagpasalin-salin ito sa 67 wika simula noong Oktubre 2009.
Isa sa mga sitwasyong hindi ko malilimutan sa kwento ay nang mapunta siya sa isang palasyo at sinubok na ikutin ito habang may dala-dalang kutsara na hindi dapat matapon ang laman nito. Perpekto niyang nagawa ito hanggang . At nang marating niya ang hari ay tinanong siya,
"Nakita mo ba ang kabuuan ng palasyo?"
Sumagot siya ng "hindi" at pinaikot siyang muli.
Sa pagkakataong ito ay natutunan kong, HUWAG KANG MATAKOT NA MAGKAMALI UPANG MAKITA ANG KAGANDAHAN NG MUNDO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento