Linggo, Agosto 2, 2015

AKING TULA: Labing-limang buhay galing kay Nanay

URL NG AKING VIDEO PARA SA TULA: https://www.facebook.com/ryandavee.loreno/videos/938318612893681/?pnref=story



Nang iyong inilabas,
Sakit na ang dinanas
Ngunit tiniis ang lahat
Masugatan man ang balat

Sa unang taon itinuon
Pangangailangan ay tinugon
Binigyan ng pagkakakilanlan,
Pangalay pinagkaisipan

Sa sunod, pag-arugay inalay,
Inalay pati na rin ang buhay,
Buhay na hindi mapapantayan,
Maging yan ay kahit kanino man

Pagtitiyaga naman ang tinumbok,
Pinaglaban sa lahat ng pagsubok,
Tinakpan, sinahuran ang mga tulo
At bilang pagtupad sa mga pangako

'kaapat ng taon ko
At kahit na umugod
Suporta lang maihandog,
‘di pumalya, ‘di nagsawa

Maging pasensya ay sinubok
At ‘di napagod kakakamot,
Malagas man lahat ng buhok,
Kulit ay hindi naging kurot

Sa unang tapak sa paaralan,
Ikaw pa rin ay nakagagabay,
Nakaantabay sa bawat hakbang
habang nakaalalay sa kamay

Nagkaroon ng magarbong handaan,
Bawat isa sa mga detalye'y hinimay,
Hiling ko'y lubos na pinagplanuhan,
Nangyari yan saking ikap'tong buhay

Bawat dapa't sugat nilunasan,
Bawat luha ay pinupunasan,
Sa bawat lungkot ay dinamayan,
Sa bawat hikbi ay inakbayan

Ganap sa simulay ‘di kumupas,
Ang mga problema may humasiwas,
Tinulungang umahon, umiwas,
Patuloy na gumabay sa dahas

Dumagdag pa ang taon,
Ikasampu na ngayon,
Lumaki ang kaylangan,
Tinuloy parin laban

Humirap pa ng humirap,
Nagsumikap, nagsumukap
Sa mga pagkakataong hindi sapat,
Tinaya ang buhay para sa lahat

Edad pa'y nagdagdag,
Naintindihan ang sistema,
Ang sistemang kinagisnan,
Kinagisnan pala'y kahirapan

Ako'y nagkaisip,
Nalaman ang tama sa mali,
Isip ko'y moderno,
Sa'yo naman ay kultural

Sinubok ang kakayahan,
Tinanong ang hindi alam,
Inalam ang kahinaan,
Hinubog ang kalakasan

Maaari ngang kaya ko na tumayo ng mag-isa,
Mga mali mo'y pinansin ko na,
Sa malamang ay magagalit ka
Kaya patawad irog kong ina

Minsan wala rin sa kagustuhan
Na ikaw ay labanan,
Nagtatalo man minsan,
Mahal ka pa rin magpakailanman

Sa mga bagay na hindi sinasadya,
Hingi ko'y tawad talaga,
Sapagkat sa binibigay mong buhay

Ikaw naman ay unti-unti kong pinapatay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento