Huwebes, Agosto 6, 2015

Buhay ng Sabado at Linggo

     Noong Sabado, masasabi kong isa iyon sa mga nakapapagod na araw ko, dahil sa napakarami kong ginawa. Maaga akong nagising upang simulan na ang mga gawaing-bahay tulad ng paghuhugas ng mga pinggan atbp. upang maaga na rin akong matapos at sakaling matupad ko ito ay magkaroon na rin ako ng panahon para magpahinga, natapos ako ng mga 10:30 ng umaga. At sumunod ko namang ginawa ay agad akong naghanda dahil may usapan kami ng aking mga kamag-aral na magkita at tapusin na ang mga bagay-bagay sa aming presentasyon na gagawin sa Lunes, pagkatapos namin dito ng mga 5:00 ng hapon ay agad na akong umuwi, siguro ay sa haba ng aking nilakad kaya pagod akong nakarating sa bahay at nagsanhi ng aking pagkatulog ngunit naging bitin ito dahil makalipas ang dalawang oras ay ginising na ako ni Mama dahil may hugasan pa palang nakaatas sa akin at mangyari ay agad ko namang ginawa.

      Sa lahat ng ito, kung kaya't ng aking pakiramdam na maging sino ay gusto na lang matulog at magpahinga ng magpahinga.

     Napasarap ang aking tulog kaya tanghali na nang ako'y magising, mga 10 ng umaga, kung kaya't mabilis ko ng tinapos ang mga nakaatas sa aking gawaing-bahay. At pagkatapos nito ay sumunod ko namang ginawa ang aking mga takdang aralin na sinimulan ko na ng mga 1:00 ng hapon at natapos ako ng 6:00 na ng gabi, na kung gaano kabigat ang aking pakiramdam o katawan noong sabado, siya ring nararamdaman ko ngayon, sanhi ng aking pagod ay agad ko na itong tinapos at pangatlo ko namang ginawa ang pagpaplantsa ng aking mga uniporme.

     Sa wakas, ang Sabado't Linggong ito para sa akin ay isang nakapapagod na karanasan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento