Lunes, Agosto 24, 2015

SALOOBIN KO SA SALOOBIN MO

         Paano nga ba maipahahayag ang saloobin natin tungkol sa isang bagay, tao o ano pa man? Paano natin ito magagawa ng hindi nakasasakit ng damdamin ng iba? Maari ba tayong magbigay ng saloobin sa lahat ng oras?

   Sa mga Makata, ay may ibat-ibang paraan ng pagpapahayg ng saloobin. Mayroong mga makatang gumagamit lamang ng bolpen at papel upang magbigay opinyon sa paksa, tulad ng sa dyaryo- ang pamamaraang ito ay mas kinikilalang pagpapahayag ng pasulat. Sa kabilang dako, maaring makapagpahayag rin ang isang tao ng kaniyang saloobin sa pamamaraan ng pasalita, halimbawa ng sa Telebisyon.

    Sa karagdagan, para sa akin, ay marami pa talagang paraan ng pagpapahayag gaya ng sa mga pipi o tinatawag na sign language sapagkat sila ay walang kakayahang magsalita. Mayroon rin namang dulot ng makabagong teknolohiya tulad ng sa blog na ito na minsang nagsisilbi bilang labasan ng damdamin.

     Sa lahat ng ito, ano man ang pamamaraang ginamit ay hindi dapat natin malimutan ang respeto sa bawat isa sa kabila ng mabuti o masama niyang ginawang binigyan natin ng reaksyon sapagkat ito ay karapatan niya bilang tao. At dapat rin nating alalahanin na hindi sa lahat ng oras ay marapat tayong magpahayag ng saloobin lalo na't lumalagpas na tayo sa sariling limitasyon at sa puntong panghihimasok sa buhay ng ibang tao dahil kadalasan ay wala tayong awtoridad na gawin ito- sa ngalan man ng batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento