Sa unang markahan, marami akong natutunan tulad ng tungkol sa mga uri anyo at paggawa ng tula, alamat, kwento atbp., kasama na rin ang pagsusuri at mga elemento na bumubuo upang mas mabigyang-linaw ang bawat kahulugan, pangungusap o parirala, gaya ng transitional devices, pang-ukol, pangatnig, pang-angkop o mga kilalang pang-ugnay. Nalaman ko rin ng mas malalim ang pagkakaiba ng opinyon sa katotohanan, at kung paano iuuri ang sanaysay mula sa dalawang halimbawa nito- pormal, di-pormal.
Kasama rin sa aking mga natutunan ang pagsusunod-sunod ng pangyayari sa isang kwento at mga elemento nito kasama ang tauhan, tagpuan at banghay. Pati na ang paggamit ng mga salitang naglalarawan; paghahambing at pagtutulad ng isang bagay o pangyayari ay naging rin parte ng aking pagkatuto.
Isa pa sa mga mahahalaga kong nadiskubre sa markahan ay ang natatagong tradisyon ng bawat bansa na aming tinalakay, partikular sa Timog-Silangang Asya. Ito ay sa pamamagitan ng mga panitikang naghahatid ng mga impormasyon tungkol at nagmula rin sa kanila.
Sa kabilang dako, iba rin ang aking naging karanasan sa bawat bagay na sa ami'y pinagawa, dahil dito ay nasubok ang aking kakayanan. Isa na rito ang paggawa ng tula, pagvivideo sa sarili habang binabasa ang nagawa at pagaupload nito sa facebook, sa kabila ng aking pagkahiya ay patuloy ko pa rin itong ginawa sapagkat ako ay maaaring mawalan ng marka- dito ko napatotohanang "Wala kang mararating kung mahiyain ka", na hindi mo maisasagawa o maaabot ang iyong nais o pangarap kung hiya ang ipaiiral ngunit ito ay dapat na para sa tama.
Sa susunod na markahan, inaasam ko na mas marami pa akong malalaman at matututunan na maaari kong magamit sa aking pangaraw-araw na buhay, kagaya dito sa blog na magkaroon pa ako ng mas maraming kaalaman sa paggawa ng aking mga sulatin. At sa paglalakbay sa ibang bahagi sa kontinente ng Asya, Kanluran partikular, sana ay mas mapalawig pa ang aking kaalaman tungkol sa kanilang tradisyon at kultura lalo na sa Korea. Masubok rin sana sa markahang ito ang aking kalakasan at kahinaan na maaari kong magamit sa mga susunod pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento