Sa pagdaan ng panahon napakaramarami ng mga palabas ang umusbong
maaring ito ay patungkol sa mga pag-ibig, kabayanihan, at mga modernong
kaisipan sa panahon ngayon. Kadalasan ay may natututunan tayo sa mga ito, may
mga pagkakataon pa nga na nakararamdam tayo ng pagkainis sapagkat natatalo ang
bida at hindi nagkakaroon ng happy ending.
Isa sa mga pelikulang napanood ko ay ang Trojan War, masasabi kong iba ito sa
mga napanood ko na, dahil sa kakaibang twist
na inihahatid nito sa mga manonood na siya naman ring kapupulutan ng aral tulad
ng pagtalakay nito sa pag-ibig, pagiging magiting, kabayanihan, at higit sa
lahat ang Kasaysayan na ibinibida kung ano ang meron sa mga Greek noong nagsisimula
pa lamang nilang hubugin ang kanilang pamumuhay patungo sa kasalukuyan.
Nagsimula ang nasabing pelikula sa pag-ibig. Nang dahil sa angking
ganda ni Helen, siya ay pinag-aagawan ng mga prinsipe. Siya ay sumama kay Paris
patungong Troya at iniwan ang kaniyang asawa na si Menelaus, dahil dito ay
nagpahayag ng digmaan si Menelaus laban sa Troya upang mabawing muli ang
kaniyang reynang si Helen. Marahil ay kung hindi siguro ipinuslit ni Paris si
Helen ay wala ng gulo, at hindi na magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga taga-Troya
at taga-Isparta. At sa pangyayaring ito, mahihinuha ko na iba ang nagagawa ng
pag-ibig sa sangkatauhan.
Sa digmaang ito, si Achilles at Hector ang mga pinakamagigiting na
mandirigma. Patunay rito ay nang sabihin ni Hector kay Patroclius na, “These are the days of my glory, and perhaps
Achilles himself will fall to my sword”, isa rin ito sa mga katagang hindi
ko malilimutan, dahil dito ipinahihiwatig ang angking katapangan at kalakasan
ni Hector, maging na rin ni Achilles. Sa laban din nilang ito pinairal ng
dalawa ang kanilang ginagawa ay para sa pag-aalay at pagsasakripisyo sa kanilang mga diyos, bayan at minamahal.
Sa kabilang dako, hindi ko rin malilimutan ang angking kahusayang
ipinakita ng mga Griyego. Dahil sa pagbuo ng malaking Kabayong kahoy o Wooden Horse sila ay nagwagi, tinatawag
rin itong “Kabayong Troyano”. Ito ang naisip na paraan ni Odyssues sapagkat
nahihirapan silang pasukin ang Troy dahil sa mga tauhang mahuhusay pagdating sa
pagpapana o archers. Naisagawa nila
ito sa paraang may mga tauhan ang Griyego na naglagay ng Kabayong kahoy sa
dalampasigan at lumisan sa pamamagitan ng kanilang mga Bangka. Nakita ang
Kabayo ng mga Troyano at inisip na hudyat na ito ng pagsuko ng mga Griyego at
pagtigil sa pag-aasam na magwagi sa laban, inisip nila na isa itong handog mula
sa mga Griyego. Hinila ng mga Troyano ang Kabayo papasok sa Troya at nagdiwang
sa inaakalang pagkapanalo sa digmaan. Dahil ang hindi nila alam na may mga
mandirigmang Griyego ang nakakubli sa loob ng Kabayong kahoy at sa pagsapit ng
gabing iyon, naglabasan sila at binuksan ang mga tarangkahan at sinunog ang mga
kabahayan. Isa pa sa mga nakagugulat, ay ang mga Griyegong naghatid ng kabayo
at umalis gamit ang mga Bangka ay isa lamang pa lang pagpapanggap dahil sila ay
nagtago sa likod ng mga pulo at nagbalik sa gabing iyon hudyat na napagwagian
nila ang digmaan.
Sa karagdagan, Isa pa sa mga hindi ko malilimutang parte ng pelikula ay
noong magpanggap si Patroclius, pinsan ni Achilles, na siya ang si Achille kaya
mangyaring napatay siya ni Hector. At bilang paghihiganti tinalo at pinatay rin
ni Achilles sa isang laban si Hector, na nakita kong mali dahil hindi ito kasalanan
ni Hector, dahil nag-ugat ito sa kawalan ng pagbibigay halaga ni Patroclius sa
kaniyang buhay dahil kung mahal niya ang kaniyang buhay ay hindi siya
magpapanggap at lalaban sa taong hindi naman niya kapantay ang lakas. At kung
hindi rin naman niya inangking siya si Achilles ay hindi rin siya papatayin ni
Hector.
Sa pagtatapos, maihahalintulad ko ito sa mga napanood ko nang palabas
na hindi happy ending, dahil ang
tauhang pinakahahangaan ko sa kagitingan, katapangan at kalakasan ay natalo sa
hindi sinasadyang pagpunterya sa kaniyang kahinaan, espisipikong si Achilles
nang mapana siya ni Paris sa kaniyang sakong.
Sa lahat ng ito, kaiba ang aking nararamdaman sa
panonood ng Trojan War dahil marami akong natutunan sa mga aspetong ibinida
nila rito- pagmamahalan, katapangan o kung ano pa man. Marami rin akong mga
natutunan lalong-lalo na sa kasaysayan ng mga Griyego. Nakabibilib ang kanilang
mga paniniwala sa mga Diyos na kaiba sa lahat. Ang mga Diyos na kanilang
kinikilala ay tila isang pangkaraniwang tao lamang na nakararamdam ng pagmamahal,
sakit, ligaya atbp. maging ang kamatayan ay kanilang nararanasan.
Picture Source: |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento