Alas 3 ng hapon nang maramdaman ko ang pagod , at kumain lamang ako ng sandali pagkatapos ay natulog. Ipinagpaliban ko muna ang mga nakaatas sa aking gawaing-bahay. Ngunit sa sarap at himbing ng aking pagkakatulog ay kadahilanang tumagal ito ng ilan pang mga oras. Maya-maya ay narinig ko na ang boses ng aking Ina, "Anak, gumising ka na, ang mga hugasan mo nilala ngaw na. At mamayang gabi baka hindi ka na naman makatulog. Mapuyat ka na naman!" binalewala ko ito sapagkat ang isip ko'y gising na, ang katawan ko naman ay tila natutulog pa. Dumagdag pa ang oras at nakailang balik na si Mama pero matatag pa rin kami ng kama. Hanggan sa nagbabadya nang umulan rinig ko ang galit ng langit sa kwarto, at may narinig na naman akong tinig, "Ryan, tumayo ka na dyan", ngunit sa oras na ito ay isang boses lalaki at si Papa naman. Sa pangalawang pagkakataon, binalewala ko ulit ito. Dumagdag ng dumagdag pa ng dumagdag ang oras, at sa kalagitnaan nito ang ang di-inaasahang pagbagsak ng ulan na naging rason upang mapasarap pa lalo ang aking tulog dahil sa lamig na nadarama ko.
Sa kabila ng lahat ng ito, at pagbabalewala ko ng mga paggising sa akin, ay may narinig na naman akong pagbabadya ng pagpuputol ng aking mahimbing na pamamahinga, ngunit sa pagkakataong ito ay iba na, ibang-iba na, hindi na si Mama at Papa- kakaibang pandinig na hindi ko inaasahan, pandinig na gumimbal sa aking damdamin, nagpaiyak, at nagpabilis ng aking tibok ng puso, sobra ako na-touch sa oras na ito, rason ng aking biglaang pagkagising- gising na gising, wala na talaga akong ibang nagawa kundi ang sumigaw, "OH MY GOSH!!!". Sa paglalahat, maluha-luha ako ng lubos nang marinig ko ang tinig ng langit- ang kulob na nagpabingi at kidlat na nagpamanhid at nagpalitaw ng aking adrenalin rush, sa pagkakataong ito tila nasa ibabaw sila ng aming bubong na nagsasabing, "HOOOOOY, GISING!!!"
PS. Laking pasasalamat ko lang talaga at nabuhay pa ako. Nakakaloka! Hahahahahahaha, Napa-Oh My Gosh! ng wala sa oras!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento