Bubbles (kaliwa), Blossom (gitna), Buttercup (kanan). |
I got addicted by His love that never fades. ♥ #ThanksG At totoo nga day! ito ang nag-iisang blog ko, kaya sundan mo na akuuu , para happy-happy tayuuu! At para sa mga tsismosa i-follow niyo na rin ako sa Fb (Ryan Dave Loreno). Doon kayo makakakuha ng balita all-day sa mga walang kwentang updates ko sa aking buhay. Pero minsan dito ko na inilalabas ang gusto kong ilabas. Hahahaha, Kung gusto mo tambayan 'to eh okay lang, pero lagi mong tandaan na hindi ako perpekto ha. Halina't masaya to, tara!
Sabado, Oktubre 10, 2015
GIRL POWER
Noon, masyadong namamaliit ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan, ngunit sa pag-ikot ng mundo kasabay ng pagbabago, sumabay na rin ang mga babae, natuto silang itayo ang kanilang pangalan at mapantayan ang mga kalalakihan. Isa ang palabas na 'Powerpuff Girls' na nakita kong nagpapakita ng karangalan para sa kababaihan, ito ayproduksiyon ng 'Cartoon Network', ipinapakita lamang sa palabas na ito na hindi laging mga lalaki lamang ang may kakayahan na iligtas ang mundo sa kapahamakan. Sa katunayan, lalaki pa nga ang matinidi nilang kalaban sa nasabing palabas sa katauhan ni 'Mojo Mojo'. Pangunahing karakter naman sina, 'Bubbles', 'Blossom', at 'Buttercup'. Mga batang babae sila na may ibat-ibang katangian ngunit may iisang layunin na ipagtanggol ang mundo. Si Bubbles ay malapit sa pulang kulay marahil ito ang kaniyang paborito sa lahat habang si Bubbles ay asul at Buttercup sa green. Hindi mang makatotohanang palabas na maituturing indikasyon lamang ito na walang imposible sa sinuman, lahat tayo ay may kakayahang ipagtanggol ang mundo kung tayo'y maniniwala at magtitiwala sa sarili naying kakayahan. At may aral din silang naibabahagi lalo na sa mga bata.
Mga etiketa:
girl power,
kababaihan,
kultura,
powerpuff girls,
tradisyon
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento