Sabado, Oktubre 10, 2015

KAILAN NAGING LANGGAM ANG IBON

Hapon ng sabado nang utusan ako ng nanay kong bumili ng miryenda. Napakabigat ng aking pakiramdam dahil inistorbo niya ang aking pamamahinga. Papalabas na ako ng pinto nang masalubong ko ang aking pinsang galing sa aming gate, pansin ko rin ang mga ibong nagkukumpulan sa  isang bahagi ng simento at nag-aagawan ng pagkain. Nakaramdam ako ng pagkabigla  ng sumigaw ang aking pinsan, "Langgam, langgam, langgam" nagtataka lamang ako dahil siya ay tuwang-tuwa habang ang mga kamay niya ay nakataas mas lalo akong nagulat ng dumiretso siya sa  mga ibon, sa isip-isip ko lamang, "Naliliitan ba siya sa mga ibon, upang tawagin ito ng Langgam?". At dahil dito, tinanong ko siya, "Kailan naging langgam ang ibon?" kasabay pa nito ang aking pagtawa  ng malakas, "HAHAHAHAHAHA". Ngunit napahiya naman ako sa naging tugon niya, "Bisaya term kasi, Hahaha". Sa pagkakataong ito, nagkaroon ako ng napakaraming kaalaman. Masyado akong naging  mapanghusga. Akala ko kasi nawawala na siya sa sarili niya. Hindi muna kasi ako nagtanong, Hahahaha.

MORAL LESSON: HUWAG AGAD-AGAD MAG-REACT SA ISANG BAGAY, MAGTANONG MUNA PARA SA HULI HINDI IKAW ANG MAGMUKHANG TANGA. HAHAHA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento