Linggo, Oktubre 4, 2015

KULANG SA PANSIN

Bilang bahagi ng lipunan, Sapat na nga ba ang karapatang natatamasa ng kababaihan? Kung sa iyo ko ibabato ang tanong na ito, paano mo sasaluhin at bibigyang reaksyion?

Para sa akin, sapat na ang mga karapatang natatamasa ng mga kababaihan sa kasalukuyan lalo na't kung ikukumpara sa nakaraan, dahil sa aking nakikita'y nakakaya ng makipagsabayan ng mga babae sa kalalakihan sa iba't-ibang bagay. May mga pagkakataon pa ngang mas nangingibabaw sila (mga babae), tulad na lamang ng isa sa mga naging lider ng ating bansa na si dating Pangulong Cory Aquino- indikasyon lamang ito na nakakaya rin ng mga babae kung ano ang nakakaya ng mga lalaki, at nagagawa na rin ng mga babae ang mga nais nila.

Ngunit sa kabilang banda, hindi lang nagmumukhang sapat ang kanilang karapatan dahil sa kawalan ng kalayaang kanilang pinagdaraanan. Dahil ayon sa aking nakikita, may mga babaeng  pa ring nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang mga asawa, may mga pagkakataon namang paghihigpit ng kanilang mga kinakasama base sa kulturang katutubo. At ang mga ito ay nagsasanhi ng kawawalan nila ng kalayaang maranasan ang kanilang mga karapatan.

Sa paglalahat, hindi karapatan ang nawawala kundi kalayaan ng mga kababaihan upang matamasa ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento