Huwebes, Oktubre 15, 2015

TSINA: BANSANG KAKAIBA

Bago ang lahat aaminin kong wala talaga akong masyadong alam sa bansang Tsina. Hindi ako gaanong maalam sa kanilang ipnagmamalaking mga lugar kung kaya't huminigi na lamang ako ng tulong sa internet upang maikot ang bansang ito. Hindi ako nagsisi sa aking ginawa dahil napatunayan ko lalo ang ganda ng Tsina, nakita ko ang kanilang kultura sa mga larawang nakapaskil sa internet kaya narito na ngayon ang mga lugar na gustong kong tunguhin 'pag nagkaroon ng pagkakataong makapunta ako ng Tsina:

RAINBOW MOUNTAINS

- Kulay pa lamang, kaakit-akit na at hindi maitatangging dahil sa katangian pa lamang niyang ito ay mahahalina ka ng pumunta. Bundok ito na napakakulay at tila may iba't-ibang hugis ng tuktok ang mga ito.
http://www.chinahighlights.com/travelguide/most-beautiful-places.htm

GREAT WALL OF CHINA

-  Isa ito sa mga gusto kong puntahan dahil makasaysayan itong lugar sa Tsina. At dito nila naipamalas ang kanilang kultura, kagalingan, kahusayan at kakayahan.
http://www.chinahighlights.com/travelguide/china-top-10-attractions.htm

CHENGDU

 -  Gusto kong matungo ito dahil dito matatagpuan ang mga "Giant Pandas" na sinasabi nila. At hindi pa ako nakakakita nito sa buong buhay ko kaya nabibighani ako sa lugar na ito ng bansang Tsina.
http://www.chinahighlights.com/travelguide/china-top-10-attractions.htm

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento