Lahat
tayo ay ginawang pantay-pantay ayon sa bibliya, layon din dapat natin na
sambahin ang Panginoon. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng mga taong naunang
nanampalataya sa Diyos kaysa sa mga huli na? Sa ganang akin ay wala, dahil lahat
tayo ay parepareho lamang pagdating sa mata niya. Walang makakalamang! naging
masama man ang ating nakaraan at huli man natin siyang kinilala bilang
kataas-taasan ang mahalaga ay natuto tayong magpakumbaba at humingi ng tawad.
Lahat ay binibigyan ng diyos ng panahong makapagbago at kaakibat nito ay
nagkakaroon din tayo ng tsansang makapasok sa kaniyang kaharian.
Maraming
paraan ang mayroon sa pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos. karamihan sa
atin ay sa pamamagitan ng dalas na pasimba, at ang iba naman ay kabaligtaran,
katulad ko na hindi palagiang nagsisimba pero palagi naman akong nagdarasal sa
aking kwarto bago matulog at pagkagising dahil para sa akin hindi naman
masyadong mahalaga na lagi kang nagsisimba, hanggat nanduon yung pananalig mo
sa kaniya, yung respero, tiwala at paniniwala ay hindi malalayo ang loob sa
makapangyarihang may likha.
Ang
lahat ng ito ay indikasyon lamang kung gaano tayo kamahal ng panginoon. Tila
lahat ng bagay ng ginagawa niya ay patungkol sa ating mga anak niya. Kaya ano
mang paniniwala't pamamaraan mo ng pagkilala sa kadakilaan niya ay hindi ka
niya itatakwil bilang mahal na kayamanan niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento