“Huwag mong
kalilimutang ikaw ay
isang bangang gawa
sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang
anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”
“Bakit
madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak nabanga na
may pagtataka.
“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay
nararapat na makisalamuhalamang sa ating mga kauring banga.”
Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang
kabataan, itinatak niya sa kanyangisipan na siya ay isang banga na gawa sa
lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibanguri ng banga. Nakita niya ang
eleganteng bangang porselana, ang isang
makintab nabangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap
niya na sila aymagkakaiba.
Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya
maaaringmakisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal atiba-iba
rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may
dilaw.Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay.
Lahatsila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.
Isang araw, isang napakakisig na
porselanang banga ang nag-imbita sakaniya
na maligo sa
lawa. Noong una,
siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sakanya ang
paniniwalang ang lahat
ng banga ay
pantay-pantay. Naakit siya
samakisig na porselanang
banga.
Napapalamutian
ito ng magagandang
disenyo atmatitingkad ang
kulay ng pintura.
May palamuting gintong
dahon ang gilid
nito.Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang
tindig.
“Bakit wala namang masama sa
paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ngbanga. Wala naman kaming gagawing hindi
tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,”
"Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na
mapreskuhan.”
‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na
tuwang-tuwa.
Sabay silang lumundag sa lawa
at nasarapan sa malamig na
tubig.Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na
iyon.
Nang sila’y lumundag
sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanangbanga ay
tinangay papalapit sa
kaniya.
Kahit
hindi nila gusto,
bigla silangnagbanggaan nang
malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid nglawa. Lumikha ito ng
napakalakas na tunog.
Ang
porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.Ngunit ang
bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.
Habang siya’y
nabibitak at unti-unting
lumulubog sa ilalalim
ngtubig,naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina
Sa
buhay, ang daming bagay na dapat nating sundin at siyempre yun yung tama. Sa
araw araw ay nakatatanggap tayo ng aral na kalimitan ay galing sa ating mga
magulang. At dito sa akdang Parabula ng Banga ay may mga natutunan ako:
1.
Walang ibang hangad ang magulang kundi ang mapabuti tayo kaya sa lahat ng
sinasabi nila ay dapat nating sundin minsan mang lingid sa ating kagustuhan
matuto tayong itimbang ang mga bagay-bagay.
2.
Malimit nating marinig sa kanila na huwag sasama sa mga taong hindi natin
kakilala dahil marahil ay alam na rin nila ang mga posibilidad na bagay na
maaring mangyari dahil hindi rin nila matitiis ang masamang bagay na mangyayari
sa atin.
3.
Kapag hindi natin sila nasusunod natural ay magagalit sila. Dahil sa ilang
taong binuhay nila tayo ng buo at kapag makagawa ng kasalanan ay babalik ng
durog.
Sa
kabilang dako, tayo ay binigayan ng diyos ng sariling buhay upang alagaan at
pagyamanin kaya minsan dapat maging mapanuri tayo sa bawat desisiyong ating
isasakatuparan. At mga bagay na gagawin dahil sa ganang akin, tayo ang
gumuguhit ng sarili nating kapalaran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento