Lunes, Nobyembre 2, 2015

T H E R E P L Y 1 0 1

Alam mo ba? Alam mo ba kung bakit nagbago sila? Ni minsan ba kinumpronta mo sila o kinausap man lang kung bakit nagkaganoon sila? Mag-isa ka, sampung-libo sila, sino amg dapat makisama? Nagtaka rin sila kung bakit nagkaganyan ka. Alam mo ba kung bakit sa bahay mo ay hindi na sila nagpupunta? Kasi nasaktan sila noong sinumbatan mo sila. Umuuwi ka ng maaga dahil walang kumakausap sayo kapag nagtagal ka? Nagtanong sila, ni minsan ba sinubukan mo na? Ang daming taong naghahanap sayo hindi ka nila makita paano inuuna mo yung sarili mong trip kesa makasama sila. At pag kausap mo sila iba rin yung gusto mong topic, tatanungin ka ulit nila, sino ang dapat makisama sila ba? O ikaw lang mag-isa. Ni minsan ba nag-open ka sa kanila? Hindi diba. Noong birthday mo, alam mo ba kung bakit 'di sila nagpunta? Kasi pinangunahan mo sila na wala kang handa. Alam mo ba na nagbalak pa rin silang dumalo? Pero patuloy mo pa ring hinarangan silahinarangan sila ng katagang "'wag na kayong pumunta dahil hindi nagluto si mama". Alam mo ba kung bakit hindi pa rin sila tumuloy? Kasi nga baka walang handa at makaramdam ka ng hiya. Sarili mong salita ang papatay sa'yo. Alam mo ba kung bakit sila lumayo? Lumayo ka rin, nauna ka pa. Sa tuwing magkikita kayo, ni minsan ba naghello ka? Sa ruwimg magsasalubong kayo at binati ka nila, sumagot ka ba? Alam mo lahat ng sa'yo naaappreciate nila. Hindi ka lang marunong magbalik, nagsawa lang siguro sila, nasaktan eh. Napahiya. Napansin nga rin nila, kinakausap mo lang sila 'pag may kailangan ka. Sa panahong masaya ka, iba ang pinipili mong kasama ngunit sa kasagsagan ng kahirapan hinahanap mo sila. At 'pag katapos niyong mapagtulungan, lahat ng mali nakikita mo, lahat na rin sinusumbat mo. Hindi mo ba pansin ikaw na madalas ang umaako ng gawain? Ngnuit kinabukasan masakit na salita sa mukha nila'y isasampal. Okay lang naman daw, ngunit wala ka bang puso? Bakit kailangan pang sa harap ng karamihan? nagTaka si ganda nalamog kaniyang braso, nagkaroon pa ng violet na tatoo tumabi lang daw siya sa iyo? Nakakita ka lang naman daw ng gwapo. Isa pa pala daw, bakit mo kailangang magmalinis? Walang taong perpekto para ipaalala ko sa'yo. Ano bang gusto mong ipamukha sa kanila? Kalangitan ka, Impyerno sila? Akala mo ba ikasasaya nila ang iyong binabalak? Pero bahala ka na daw, pano ka daw ba kasi makikinig sa mga taong itinuring kang espesyal noon ngunit hindi na ngayon sumabay ka kasi sa pagbabago ng panahon, iniwan mo sila sa dating galaw niyo noon. Salamat! Salamat daw sa pagbabago mo nakita nila ang tunay na mundo. Alam mo ba? Alam mo bang nalungkot si ganda habang ito ay ginagawa niya? Nagtanong ulit siya, "Bakit nagbago kasi siya?" may sumagot "siguro kasi mas pinili niya yung iba kesa sa inyo" sumagot si ganda, "hayaan ka na daw masaya ka diyan eh". Pero gusto lang din nila na maayos ‘to, kaya sorry daw sa mga nagawa nila. Sana wala ng problema happy-happy na tayo. Sorry na BB. :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento