Linggo, Agosto 30, 2015

Buhay na Madugas!

Bakit ganun? Malaking katanungan ko sa aking buhay. Sa mga pagkakataong hindi naman ako naging masama, ni hindi ako tumulad sa mga napababalitang kabulastugan, alam ko sa sarili kong mabait ako, sobra! Ngunit sa katangian kong ito nag-uugat ang pagiging mahina ko, na bakit kasi  hindi ako naging katulad nila- malakas, iba, at paborito ng lahat.

Wala naman akong ginagawang bagay na napakasama pero bakit hindi naging patas sa akin ang buhay, sa mga taong gagawa ng masakit na bagay, eh yung taong itinuring ko pang importante sa aking buhay. At yung  taong dapat na magtanggol, umunawa ng sobra, sumuporta, at maniwala ay di naging sapat. Madalas nila akong sumbatan sa mga bagay na ginagawa  nila para sa akin, "Lahat naman ginagawa namin para sa iyo", ngunit sa kabila ng mga katagang ito na lagi kong sinasalo ay ang pananahimik sa isang tabi na wariy bumubulong, dahil sa lahat ng ito tila isang malaking panaginip ang aking nararamdaman sapagkat hindi ko ramdam ang mga bagay na kanilang ipinahihiwatig.

Hindi ko mawari ngunit napakasakit na at sobra ng hirap. Sa mga bagay na lumalagpas na sa limitasyon na tila hindi nila binibigyang pansin ay sobra ng pumapatay sa akin at nagpapahina ng kalooban kong pinipilit na lamang na tumingin sa tama.

Sa kabila ng lahat ng ito, nananatili pa rin at hindi mawala-wala ang taning na "Kailan kaya? Kailang kaya nila ako maiintindihan at mamahalin?", dahil sa unti-unting pagkawala ang isang araw ng aking buhay sa bigat ng kamaong aking natatanggap ay ang pagmamahal na natatangi, pagmamahal na hindi mawawala, pagmamahal na maghihintay,pagmamahal na nag-iisa- pagmamahal na galing sa akin, bilang inyong anak at kapatid.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento