Lunes, Agosto 31, 2015

NCAE: First One Last Time

Sa una at magiging huli kung karanasan sa pagkuha  ng pagsusulit sa NCAE o National Carrer Assessment Examination, sobrang dami kong  natutunan, naramdaman  at naranasan. Sa ibat-ibang courses na aking naka-engkwentro na nagbibigay ideya sa akin kung ano  nga ba ang gusto ko sa kolehiyo. At sa isang araw na ito ay natapos ko na naman ang isang requirement na kailangan sa kinabukasan ko.

Ngunit…

“What is the 13% of P3,265.00?”

Dati-rati pinapangarap kong kumuha ng accounting, pero nang makit ko ang test dito ay parang gusto ko ng banatin ang utak ko upang masagutan lamang ang mga tanong nila isa-isa. Hahahahaha sabi ng mga accounting na kakilala ko, “Accounting isn’t about Math”, pero ano ‘to?

“Answer the Technical-Vocational Aptitude for 1 hour.”

Sa pagkakataong ito, nakaramdam rin ako ng lungkot sapagkat napakahaba ng oras na ibinigay sa amin upang sagutin ang bawat bahagi ng test. Ngunit para sa mga kasama ko ay 20 mins. lang ang kailangan nilang gugulin para dito. Hindi man lang nila seryosohin ang pagsusulit, nagtitila silang manghuhula sa bawat ‘shotgun’ na ginagawa nila. Lagi tuloy akong nahuhuli. Ewan ko ba! Hahahahahaha.

“Mag-break na kayo.”

Tuwing break, napapatanong ako sa aking sarili kung anong mangyayari sa 10 mins. na break. Hahahaha nakakaasar lang talaga kasi sa regular na klase namin araw-araw ay nakukulangan pa kami sa 20 mins. sa paglalakad pa lamang sa hallway at pagbaba sa hagdan ay kumukunsumo na ng ilang minuto, eh kung pipila pa kami sa canteen na pagkahaba-haba ay talagan malelate na kami kaya minsan ay hindi na kami nagbe-break. Sana naman ay mapalawig pa ang oras ng break para sa mga susunod na kukuha ng pagsusulit sa NCAE. Hahaha laking pasasalamat lang talaga namin ng makaabot kami sa lunch break.

 "Do you like to... (A-  Very much, B- Much, C- Very little, D- Not at all)"

Damdamin ko'y nagulantang nang makita ko ang 215 items na yun! Hahahaha sa iisang tanong na "Do you lik eto?..." pero habang sinasagutan ko ito ay nakapagtataka lamang dahil bakit hindi ko pa rin makita ang bagay na gusto ko. Malimit kong isagot ang letter A. Napagtanto ko na hanggang ngayon pala  ay tila wala pa akong plano sa kung ano ang kukuhain ko pagdatin sa kolehiyo. Pero  hindi ko na lang muna madadaliin ang aking sarili, matagal pa naman.

"Ayusin ang pagbibilog, gawin ng tama. Walang lagpas!"

 Ako'y napapaisip lamang sapagkat isa ang paraan ng pagsagot ng pabilog ang nakapagpapaubos ng oras, maari na lang siguro gawing mas mahaba na rin ang oras sa pagsasagot ng oras.

Sa kabilang dako, sa NCAE nakatagpo rin ako ng ibat-ibang tao, ibat-ibang katangian at kaugalian katulad ng nagbantay sa amin at gumabay na si Bb. Rona na mula pa sa ibang paaralan. Maganda si Ma'am at napakabait pa, minsan mang nagsusungit ngnuit kailangan, isa rin siya sa sumaksi kung paano namin tinapos ang pagsusulit. Salamat sa kaniya dahil sa paggabay niya sa amin, salamat din sa mga kasama kong maloloko. Hahahaha

Sa lahat ng ito, ay napakaraming na ituro sa akin ang isang araw ng NCAE. Isang araw na kakaiba. Isang araw na masaya, yung puro tawa kasama ang mga kaibigan at kakilala. Marami akong narealize tungkol sa future ko, maging na rin sa mga bagay na walang kabuluhan. Hahahahaha hanggang dito na lamang, Salamat sa Pagbabasa!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento