Miyerkules, Disyembre 30, 2015

ANG PEPE NG PINAS

Kilala mo ba si Pepe? Oh, ito nalang... kilala mo ba si Dr. Jose Rizal? Oo, tama siya rin ay si Pepe! Sino nga bang hindi makakaalam ng pambansang bayani ng ating bansa. Siyempre, tayo ay mga Pilipinp kaya bata pa lamang tayo ay ipinakikilala na sa atin ng ating mga guro si Rizal. Alm mo ba kung anong 'date' ngayon? Oo, Dec. 30 ngayon at ito ang araw kung saan natin ipiniagdiriwang ang kaniyang kamatayan, pero bakit nga ba natin ito ipinagdiriwang?

Si Rizal ay isa sa mga nagtanggol ng ating bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Bawat pagpapahirap na kaniyang dinanas ay kaniyang tiniis makamit lang ang kaniyang minimithi- ang ipagtanggol ang sariling bayan; ang kabutihang panlahat. Siya ay isang mabuting taong napakamakabayan na hindi naduwag na batikusin ang mga kastila mula sa maling estilo ng pagmamanipula ng buhay ng ating mga ninuno. Nakakalungkot lamang isipin na dahil lang sa kaniyang mabuting pangarap ay naging dahilan rin nang kaniyang pagkamatay. 'Firing Squad' ang ginawang pagpatay sa kaniya. Ngunit sa kahuli-huilihan naipamalas pa rin siya ang marubdob na pagmamahal sa bansa ng magawa pa niyang harapin sang 'bala' mula sa Silangan bilang pagpapatunay na hindi siya naging traydor sa ating bansa, na hanggang sa huli ay hindi siya natakot na ipakita ang pagmamahal sa ating bayan.

Oo nga, marapat lang natin itong ipagdiwang dahil siya ang ating pambansang bayani. Hindi lanmg kasi basta-basta na tao si Rizal! SIYA SI PEPE PERO HINDI SIYA SI PEPE 'LANG'. :)

Biyernes, Disyembre 25, 2015

Ang tanging hiling ko ngayong Pasko

Sa bawat pasko ay laging mayroon tayong hinahangad, katulad ko na taon-taon na lamang umaasa na mabibigay kahit man lang isa sa mga ito. Kalimitan ay nakukuha natin yung mga gusto natin pero kadalasan naman ay hindi, at yung iba ay hinding-hindi talaga natin makukuha. Karamihan sa atin ay mga gamit ang labis na hinihiling, noon ay ganoon din naman ako pero nang ako'y lumaki na nalaman ko na ang mga ito ay pansaglit lamang na kaligayahan kaya ngayon ang tanging hiling ko lamang ay PAGMAMAHAL...

1. PAGMAMAHAL sa Panginoon
2. PAGMAMAHAL sa sarili
3. PAGMAMAHAL sa pamilya
4. PAGMAMAHAL sa kaibigan
5. PAGMAMAHAL sa kapwa

PAGMAMAHAL lang ang gusto ko ngayon kasi dahil sa pagmamahal nakakagawa tayo ng mga bagay na labis na magbibigay ng saya sa lahat. Hindi lang ito panandalian dahil kung mas mapapansin at pahahalagahan ay maari itong maging pang habang-buhay. Haaaaaaaaaayyy buhay! MERRY CHRISTMAS, Ho ho ho ho

PS. #ThankYuofortheLOVE

Linggo, Disyembre 20, 2015

KAKORNIHAN ENTRY NO.1: A day full of agendas/ A day to remember.

It was a lovely Thursday, Dec. 17, when I felt so much happiness and in line. That was a day we had so much fun with my friends/classmates as our celebration for the year. And of course, we are teens and we want that time to be memorable. And, I think if those things that happened are planned or just coincidences or what, I just thought everything happens for a reason. Further, I think that day will somehow affects for why should I be thankful a lot this Christmas.
I woke up early and get preparing the stuffs for me that I would need that day. I look for my outfit that will fit my likes. I didn't want it to be perfect, because I just wanted it to be simpler as me every day.
I ride to school with full of excitement. And as I walk down the hallway, I saw one of my teachers that I will miss through the Christmas break, and we had a small talk tackling me comparing with my brother as her former student. I don't know why but she feels so happy insulting me. Hahahahaha
The party was cool, everybody were happy and contented for the day as I saw each of everyone smiling and the others full of laughter. We enjoyed the games and all.
After the party, we decided to go to one of my classmate's house to extend the fun fact feeling and we sang there on the videoke and played many more games and chicka a lot . Haha
After the party extension, we go to mall to make 'gala', me together with Kevin and Polygon. But, after a while, two of the Polygon decided to go home for it was getting night. So, boxes remained with me and Kevin. Boxes don't have any money but we felt hungry. Then, Kevin took all the payments for the food as we ate at McDo! So thanks Kevin! Hahahaha
Without the feeling of tiredness, we decided to straight ahead to #CAINTACHRISTMASHOUSE as we planned to go there before. And we just had a walking trip.
We go home nearly at 8:00 pm, and I felt so much happiness, even when I reminiscing this Dec. 17, Thank you God for giving this extraterrestrial people to me.
#THANKYOUFORTHELOVE <3

Biyernes, Disyembre 4, 2015

AG from the East!

https://www.youtube.com/watch?v=nEDopiRxudo

Heto na talaga ang pinakapaborito kong music video sa ngayon, bukod sa nakakarelate ako sa liriko ng kanta, eh nakakatawa rin itong panoorin dahil sa nakakalokong trip ng kumanta, si Alex Gonzaga. Pero, kung susuriing mabuti kung bakit ko ito nagustuhan, eh dahil yun sa ito pa lang ang MV na nakitaan ko ng pagiging totoo. Dito, ipinakita kung ano at sino ba talaga ang tunay na AG from the East, walang plastikan, siyang-siya talaga na marahil ay naging dahilan upang makita ito ng kasiya-siya. At, sa tuwing napapanood ko ito ay naaalala ko yung patalastas ng Sprite... "MAGPAKATOTOO KA!" dahil sa ngayon ay napakarami ng mapagbalat-kayo. Hence, kailangan natin magpakatotoo dahil hindi lang yung iba yung niloloko natin kundi pari sarili natin.

Lunes, Nobyembre 16, 2015

Iisang Diyos: Iisang Mundo

Lahat tayo ay ginawang pantay-pantay ayon sa bibliya, layon din dapat natin na sambahin ang Panginoon. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng mga taong naunang nanampalataya sa Diyos kaysa sa mga huli na? Sa ganang akin ay wala, dahil lahat tayo ay parepareho lamang pagdating sa mata niya. Walang makakalamang! naging masama man ang ating nakaraan at huli man natin siyang kinilala bilang kataas-taasan ang mahalaga ay natuto tayong magpakumbaba at humingi ng tawad. Lahat ay binibigyan ng diyos ng panahong makapagbago at kaakibat nito ay nagkakaroon din tayo ng tsansang makapasok sa kaniyang kaharian.

Maraming paraan ang mayroon sa pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos. karamihan sa atin ay sa pamamagitan ng dalas na pasimba, at ang iba naman ay kabaligtaran, katulad ko na hindi palagiang nagsisimba pero palagi naman akong nagdarasal sa aking kwarto bago matulog at pagkagising dahil para sa akin hindi naman masyadong mahalaga na lagi kang nagsisimba, hanggat nanduon yung pananalig mo sa kaniya, yung respero, tiwala at paniniwala ay hindi malalayo ang loob sa makapangyarihang may likha.

Ang lahat ng ito ay indikasyon lamang kung gaano tayo kamahal ng panginoon. Tila lahat ng bagay ng ginagawa niya ay patungkol sa ating mga anak niya. Kaya ano mang paniniwala't pamamaraan mo ng pagkilala sa kadakilaan niya ay hindi ka niya itatakwil bilang mahal na kayamanan niya.

PARABULA NG BANGA

       “Huwag   mong   kalilimutang   ikaw   ay   isang   bangang   gawa   sa   lupa,”   ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”        

       “Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak nabanga na may pagtataka.        

         “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuhalamang sa ating mga kauring banga.”           
     
         Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyangisipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibanguri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana,  ang isang makintab nabangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila aymagkakaiba.                       Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaringmakisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa  sila mula sa iba’t ibang materyal atiba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may dilaw.Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahatsila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.          
        
       Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sakaniya  na  maligo  sa  lawa.  Noong  una,  siya’y  tumanggi. Nang   lumaon, nanaig  sakanya   ang   paniniwalang   ang   lahat   ng   banga   ay   pantay-pantay.   Naakit   siya   samakisig   na  porselanang   banga. 

      Napapalamutian  ito   ng   magagandang   disenyo   atmatitingkad  ang  kulay  ng   pintura.  May   palamuting  gintong  dahon   ang   gilid  nito.Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig.    
   
      “Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ngbanga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,” 

       "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”         

      ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.        

                  Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan  sa malamig na tubig.Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.       

         Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanangbanga   ay   tinangay   papalapit   sa   kaniya.

            Kahit   hindi   nila   gusto,   bigla   silangnagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid nglawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.

            Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.                    

           Habang   siya’y   nabibitak  at   unti-unting   lumulubog  sa   ilalalim   ngtubig,naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina


Sa buhay, ang daming bagay na dapat nating sundin at siyempre yun yung tama. Sa araw araw ay nakatatanggap tayo ng aral na kalimitan ay galing sa ating mga magulang. At dito sa akdang Parabula ng Banga ay may mga natutunan ako:

1. Walang ibang hangad ang magulang kundi ang mapabuti tayo kaya sa lahat ng sinasabi nila ay dapat nating sundin minsan mang lingid sa ating kagustuhan matuto tayong itimbang ang mga bagay-bagay.

2. Malimit nating marinig sa kanila na huwag sasama sa mga taong hindi natin kakilala dahil marahil ay alam na rin nila ang mga posibilidad na bagay na maaring mangyari dahil hindi rin nila matitiis ang masamang bagay na mangyayari sa atin.

3. Kapag hindi natin sila nasusunod natural ay magagalit sila. Dahil sa ilang taong binuhay nila tayo ng buo at kapag makagawa ng kasalanan ay babalik ng durog.

Sa kabilang dako, tayo ay binigayan ng diyos ng sariling buhay upang alagaan at pagyamanin kaya minsan dapat maging mapanuri tayo sa bawat desisiyong ating isasakatuparan. At mga bagay na gagawin dahil sa ganang akin, tayo ang gumuguhit ng sarili nating kapalaran.

Lunes, Nobyembre 2, 2015

T H E R E P L Y 1 0 1

Alam mo ba? Alam mo ba kung bakit nagbago sila? Ni minsan ba kinumpronta mo sila o kinausap man lang kung bakit nagkaganoon sila? Mag-isa ka, sampung-libo sila, sino amg dapat makisama? Nagtaka rin sila kung bakit nagkaganyan ka. Alam mo ba kung bakit sa bahay mo ay hindi na sila nagpupunta? Kasi nasaktan sila noong sinumbatan mo sila. Umuuwi ka ng maaga dahil walang kumakausap sayo kapag nagtagal ka? Nagtanong sila, ni minsan ba sinubukan mo na? Ang daming taong naghahanap sayo hindi ka nila makita paano inuuna mo yung sarili mong trip kesa makasama sila. At pag kausap mo sila iba rin yung gusto mong topic, tatanungin ka ulit nila, sino ang dapat makisama sila ba? O ikaw lang mag-isa. Ni minsan ba nag-open ka sa kanila? Hindi diba. Noong birthday mo, alam mo ba kung bakit 'di sila nagpunta? Kasi pinangunahan mo sila na wala kang handa. Alam mo ba na nagbalak pa rin silang dumalo? Pero patuloy mo pa ring hinarangan silahinarangan sila ng katagang "'wag na kayong pumunta dahil hindi nagluto si mama". Alam mo ba kung bakit hindi pa rin sila tumuloy? Kasi nga baka walang handa at makaramdam ka ng hiya. Sarili mong salita ang papatay sa'yo. Alam mo ba kung bakit sila lumayo? Lumayo ka rin, nauna ka pa. Sa tuwing magkikita kayo, ni minsan ba naghello ka? Sa ruwimg magsasalubong kayo at binati ka nila, sumagot ka ba? Alam mo lahat ng sa'yo naaappreciate nila. Hindi ka lang marunong magbalik, nagsawa lang siguro sila, nasaktan eh. Napahiya. Napansin nga rin nila, kinakausap mo lang sila 'pag may kailangan ka. Sa panahong masaya ka, iba ang pinipili mong kasama ngunit sa kasagsagan ng kahirapan hinahanap mo sila. At 'pag katapos niyong mapagtulungan, lahat ng mali nakikita mo, lahat na rin sinusumbat mo. Hindi mo ba pansin ikaw na madalas ang umaako ng gawain? Ngnuit kinabukasan masakit na salita sa mukha nila'y isasampal. Okay lang naman daw, ngunit wala ka bang puso? Bakit kailangan pang sa harap ng karamihan? nagTaka si ganda nalamog kaniyang braso, nagkaroon pa ng violet na tatoo tumabi lang daw siya sa iyo? Nakakita ka lang naman daw ng gwapo. Isa pa pala daw, bakit mo kailangang magmalinis? Walang taong perpekto para ipaalala ko sa'yo. Ano bang gusto mong ipamukha sa kanila? Kalangitan ka, Impyerno sila? Akala mo ba ikasasaya nila ang iyong binabalak? Pero bahala ka na daw, pano ka daw ba kasi makikinig sa mga taong itinuring kang espesyal noon ngunit hindi na ngayon sumabay ka kasi sa pagbabago ng panahon, iniwan mo sila sa dating galaw niyo noon. Salamat! Salamat daw sa pagbabago mo nakita nila ang tunay na mundo. Alam mo ba? Alam mo bang nalungkot si ganda habang ito ay ginagawa niya? Nagtanong ulit siya, "Bakit nagbago kasi siya?" may sumagot "siguro kasi mas pinili niya yung iba kesa sa inyo" sumagot si ganda, "hayaan ka na daw masaya ka diyan eh". Pero gusto lang din nila na maayos ‘to, kaya sorry daw sa mga nagawa nila. Sana wala ng problema happy-happy na tayo. Sorry na BB. :)