Miyerkules, Disyembre 30, 2015

ANG PEPE NG PINAS

Kilala mo ba si Pepe? Oh, ito nalang... kilala mo ba si Dr. Jose Rizal? Oo, tama siya rin ay si Pepe! Sino nga bang hindi makakaalam ng pambansang bayani ng ating bansa. Siyempre, tayo ay mga Pilipinp kaya bata pa lamang tayo ay ipinakikilala na sa atin ng ating mga guro si Rizal. Alm mo ba kung anong 'date' ngayon? Oo, Dec. 30 ngayon at ito ang araw kung saan natin ipiniagdiriwang ang kaniyang kamatayan, pero bakit nga ba natin ito ipinagdiriwang?

Si Rizal ay isa sa mga nagtanggol ng ating bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Bawat pagpapahirap na kaniyang dinanas ay kaniyang tiniis makamit lang ang kaniyang minimithi- ang ipagtanggol ang sariling bayan; ang kabutihang panlahat. Siya ay isang mabuting taong napakamakabayan na hindi naduwag na batikusin ang mga kastila mula sa maling estilo ng pagmamanipula ng buhay ng ating mga ninuno. Nakakalungkot lamang isipin na dahil lang sa kaniyang mabuting pangarap ay naging dahilan rin nang kaniyang pagkamatay. 'Firing Squad' ang ginawang pagpatay sa kaniya. Ngunit sa kahuli-huilihan naipamalas pa rin siya ang marubdob na pagmamahal sa bansa ng magawa pa niyang harapin sang 'bala' mula sa Silangan bilang pagpapatunay na hindi siya naging traydor sa ating bansa, na hanggang sa huli ay hindi siya natakot na ipakita ang pagmamahal sa ating bayan.

Oo nga, marapat lang natin itong ipagdiwang dahil siya ang ating pambansang bayani. Hindi lanmg kasi basta-basta na tao si Rizal! SIYA SI PEPE PERO HINDI SIYA SI PEPE 'LANG'. :)

Biyernes, Disyembre 25, 2015

Ang tanging hiling ko ngayong Pasko

Sa bawat pasko ay laging mayroon tayong hinahangad, katulad ko na taon-taon na lamang umaasa na mabibigay kahit man lang isa sa mga ito. Kalimitan ay nakukuha natin yung mga gusto natin pero kadalasan naman ay hindi, at yung iba ay hinding-hindi talaga natin makukuha. Karamihan sa atin ay mga gamit ang labis na hinihiling, noon ay ganoon din naman ako pero nang ako'y lumaki na nalaman ko na ang mga ito ay pansaglit lamang na kaligayahan kaya ngayon ang tanging hiling ko lamang ay PAGMAMAHAL...

1. PAGMAMAHAL sa Panginoon
2. PAGMAMAHAL sa sarili
3. PAGMAMAHAL sa pamilya
4. PAGMAMAHAL sa kaibigan
5. PAGMAMAHAL sa kapwa

PAGMAMAHAL lang ang gusto ko ngayon kasi dahil sa pagmamahal nakakagawa tayo ng mga bagay na labis na magbibigay ng saya sa lahat. Hindi lang ito panandalian dahil kung mas mapapansin at pahahalagahan ay maari itong maging pang habang-buhay. Haaaaaaaaaayyy buhay! MERRY CHRISTMAS, Ho ho ho ho

PS. #ThankYuofortheLOVE

Linggo, Disyembre 20, 2015

KAKORNIHAN ENTRY NO.1: A day full of agendas/ A day to remember.

It was a lovely Thursday, Dec. 17, when I felt so much happiness and in line. That was a day we had so much fun with my friends/classmates as our celebration for the year. And of course, we are teens and we want that time to be memorable. And, I think if those things that happened are planned or just coincidences or what, I just thought everything happens for a reason. Further, I think that day will somehow affects for why should I be thankful a lot this Christmas.
I woke up early and get preparing the stuffs for me that I would need that day. I look for my outfit that will fit my likes. I didn't want it to be perfect, because I just wanted it to be simpler as me every day.
I ride to school with full of excitement. And as I walk down the hallway, I saw one of my teachers that I will miss through the Christmas break, and we had a small talk tackling me comparing with my brother as her former student. I don't know why but she feels so happy insulting me. Hahahahaha
The party was cool, everybody were happy and contented for the day as I saw each of everyone smiling and the others full of laughter. We enjoyed the games and all.
After the party, we decided to go to one of my classmate's house to extend the fun fact feeling and we sang there on the videoke and played many more games and chicka a lot . Haha
After the party extension, we go to mall to make 'gala', me together with Kevin and Polygon. But, after a while, two of the Polygon decided to go home for it was getting night. So, boxes remained with me and Kevin. Boxes don't have any money but we felt hungry. Then, Kevin took all the payments for the food as we ate at McDo! So thanks Kevin! Hahahaha
Without the feeling of tiredness, we decided to straight ahead to #CAINTACHRISTMASHOUSE as we planned to go there before. And we just had a walking trip.
We go home nearly at 8:00 pm, and I felt so much happiness, even when I reminiscing this Dec. 17, Thank you God for giving this extraterrestrial people to me.
#THANKYOUFORTHELOVE <3

Biyernes, Disyembre 4, 2015

AG from the East!

https://www.youtube.com/watch?v=nEDopiRxudo

Heto na talaga ang pinakapaborito kong music video sa ngayon, bukod sa nakakarelate ako sa liriko ng kanta, eh nakakatawa rin itong panoorin dahil sa nakakalokong trip ng kumanta, si Alex Gonzaga. Pero, kung susuriing mabuti kung bakit ko ito nagustuhan, eh dahil yun sa ito pa lang ang MV na nakitaan ko ng pagiging totoo. Dito, ipinakita kung ano at sino ba talaga ang tunay na AG from the East, walang plastikan, siyang-siya talaga na marahil ay naging dahilan upang makita ito ng kasiya-siya. At, sa tuwing napapanood ko ito ay naaalala ko yung patalastas ng Sprite... "MAGPAKATOTOO KA!" dahil sa ngayon ay napakarami ng mapagbalat-kayo. Hence, kailangan natin magpakatotoo dahil hindi lang yung iba yung niloloko natin kundi pari sarili natin.

Lunes, Nobyembre 16, 2015

Iisang Diyos: Iisang Mundo

Lahat tayo ay ginawang pantay-pantay ayon sa bibliya, layon din dapat natin na sambahin ang Panginoon. Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng mga taong naunang nanampalataya sa Diyos kaysa sa mga huli na? Sa ganang akin ay wala, dahil lahat tayo ay parepareho lamang pagdating sa mata niya. Walang makakalamang! naging masama man ang ating nakaraan at huli man natin siyang kinilala bilang kataas-taasan ang mahalaga ay natuto tayong magpakumbaba at humingi ng tawad. Lahat ay binibigyan ng diyos ng panahong makapagbago at kaakibat nito ay nagkakaroon din tayo ng tsansang makapasok sa kaniyang kaharian.

Maraming paraan ang mayroon sa pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos. karamihan sa atin ay sa pamamagitan ng dalas na pasimba, at ang iba naman ay kabaligtaran, katulad ko na hindi palagiang nagsisimba pero palagi naman akong nagdarasal sa aking kwarto bago matulog at pagkagising dahil para sa akin hindi naman masyadong mahalaga na lagi kang nagsisimba, hanggat nanduon yung pananalig mo sa kaniya, yung respero, tiwala at paniniwala ay hindi malalayo ang loob sa makapangyarihang may likha.

Ang lahat ng ito ay indikasyon lamang kung gaano tayo kamahal ng panginoon. Tila lahat ng bagay ng ginagawa niya ay patungkol sa ating mga anak niya. Kaya ano mang paniniwala't pamamaraan mo ng pagkilala sa kadakilaan niya ay hindi ka niya itatakwil bilang mahal na kayamanan niya.

PARABULA NG BANGA

       “Huwag   mong   kalilimutang   ikaw   ay   isang   bangang   gawa   sa   lupa,”   ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”        

       “Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak nabanga na may pagtataka.        

         “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuhalamang sa ating mga kauring banga.”           
     
         Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyangisipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibanguri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana,  ang isang makintab nabangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila aymagkakaiba.                       Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaringmakisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa  sila mula sa iba’t ibang materyal atiba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may dilaw.Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahatsila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.          
        
       Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sakaniya  na  maligo  sa  lawa.  Noong  una,  siya’y  tumanggi. Nang   lumaon, nanaig  sakanya   ang   paniniwalang   ang   lahat   ng   banga   ay   pantay-pantay.   Naakit   siya   samakisig   na  porselanang   banga. 

      Napapalamutian  ito   ng   magagandang   disenyo   atmatitingkad  ang  kulay  ng   pintura.  May   palamuting  gintong  dahon   ang   gilid  nito.Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig.    
   
      “Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ngbanga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,” 

       "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”         

      ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.        

                  Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan  sa malamig na tubig.Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.       

         Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanangbanga   ay   tinangay   papalapit   sa   kaniya.

            Kahit   hindi   nila   gusto,   bigla   silangnagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid nglawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.

            Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.                    

           Habang   siya’y   nabibitak  at   unti-unting   lumulubog  sa   ilalalim   ngtubig,naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina


Sa buhay, ang daming bagay na dapat nating sundin at siyempre yun yung tama. Sa araw araw ay nakatatanggap tayo ng aral na kalimitan ay galing sa ating mga magulang. At dito sa akdang Parabula ng Banga ay may mga natutunan ako:

1. Walang ibang hangad ang magulang kundi ang mapabuti tayo kaya sa lahat ng sinasabi nila ay dapat nating sundin minsan mang lingid sa ating kagustuhan matuto tayong itimbang ang mga bagay-bagay.

2. Malimit nating marinig sa kanila na huwag sasama sa mga taong hindi natin kakilala dahil marahil ay alam na rin nila ang mga posibilidad na bagay na maaring mangyari dahil hindi rin nila matitiis ang masamang bagay na mangyayari sa atin.

3. Kapag hindi natin sila nasusunod natural ay magagalit sila. Dahil sa ilang taong binuhay nila tayo ng buo at kapag makagawa ng kasalanan ay babalik ng durog.

Sa kabilang dako, tayo ay binigayan ng diyos ng sariling buhay upang alagaan at pagyamanin kaya minsan dapat maging mapanuri tayo sa bawat desisiyong ating isasakatuparan. At mga bagay na gagawin dahil sa ganang akin, tayo ang gumuguhit ng sarili nating kapalaran.

Lunes, Nobyembre 2, 2015

T H E R E P L Y 1 0 1

Alam mo ba? Alam mo ba kung bakit nagbago sila? Ni minsan ba kinumpronta mo sila o kinausap man lang kung bakit nagkaganoon sila? Mag-isa ka, sampung-libo sila, sino amg dapat makisama? Nagtaka rin sila kung bakit nagkaganyan ka. Alam mo ba kung bakit sa bahay mo ay hindi na sila nagpupunta? Kasi nasaktan sila noong sinumbatan mo sila. Umuuwi ka ng maaga dahil walang kumakausap sayo kapag nagtagal ka? Nagtanong sila, ni minsan ba sinubukan mo na? Ang daming taong naghahanap sayo hindi ka nila makita paano inuuna mo yung sarili mong trip kesa makasama sila. At pag kausap mo sila iba rin yung gusto mong topic, tatanungin ka ulit nila, sino ang dapat makisama sila ba? O ikaw lang mag-isa. Ni minsan ba nag-open ka sa kanila? Hindi diba. Noong birthday mo, alam mo ba kung bakit 'di sila nagpunta? Kasi pinangunahan mo sila na wala kang handa. Alam mo ba na nagbalak pa rin silang dumalo? Pero patuloy mo pa ring hinarangan silahinarangan sila ng katagang "'wag na kayong pumunta dahil hindi nagluto si mama". Alam mo ba kung bakit hindi pa rin sila tumuloy? Kasi nga baka walang handa at makaramdam ka ng hiya. Sarili mong salita ang papatay sa'yo. Alam mo ba kung bakit sila lumayo? Lumayo ka rin, nauna ka pa. Sa tuwing magkikita kayo, ni minsan ba naghello ka? Sa ruwimg magsasalubong kayo at binati ka nila, sumagot ka ba? Alam mo lahat ng sa'yo naaappreciate nila. Hindi ka lang marunong magbalik, nagsawa lang siguro sila, nasaktan eh. Napahiya. Napansin nga rin nila, kinakausap mo lang sila 'pag may kailangan ka. Sa panahong masaya ka, iba ang pinipili mong kasama ngunit sa kasagsagan ng kahirapan hinahanap mo sila. At 'pag katapos niyong mapagtulungan, lahat ng mali nakikita mo, lahat na rin sinusumbat mo. Hindi mo ba pansin ikaw na madalas ang umaako ng gawain? Ngnuit kinabukasan masakit na salita sa mukha nila'y isasampal. Okay lang naman daw, ngunit wala ka bang puso? Bakit kailangan pang sa harap ng karamihan? nagTaka si ganda nalamog kaniyang braso, nagkaroon pa ng violet na tatoo tumabi lang daw siya sa iyo? Nakakita ka lang naman daw ng gwapo. Isa pa pala daw, bakit mo kailangang magmalinis? Walang taong perpekto para ipaalala ko sa'yo. Ano bang gusto mong ipamukha sa kanila? Kalangitan ka, Impyerno sila? Akala mo ba ikasasaya nila ang iyong binabalak? Pero bahala ka na daw, pano ka daw ba kasi makikinig sa mga taong itinuring kang espesyal noon ngunit hindi na ngayon sumabay ka kasi sa pagbabago ng panahon, iniwan mo sila sa dating galaw niyo noon. Salamat! Salamat daw sa pagbabago mo nakita nila ang tunay na mundo. Alam mo ba? Alam mo bang nalungkot si ganda habang ito ay ginagawa niya? Nagtanong ulit siya, "Bakit nagbago kasi siya?" may sumagot "siguro kasi mas pinili niya yung iba kesa sa inyo" sumagot si ganda, "hayaan ka na daw masaya ka diyan eh". Pero gusto lang din nila na maayos ‘to, kaya sorry daw sa mga nagawa nila. Sana wala ng problema happy-happy na tayo. Sorry na BB. :)


Lunes, Oktubre 26, 2015

SEMBREAK 2k15

May sembreak kami ngayon, at excited na ako para dito... kahit isang linggo lang ito, ay sapat na! At narito ang sampung bagay na gagawin ko sa pagsapit ng sembreak.

1. Matutulog ng bongga- para sa inyong kaalaman ay halos wala kaming tulog noong mga araw na may pasok kaya ito na siguro ang pagkakataon namin na magpahinga.Salamat pooooo!

2. Kakain marami- ng kakain ng kakain, sa panahong may pasok madalas ay nakakaligtaan na namin ang kumain kaya babawi ako sa linggong ito. Hihihihi

3. Manunuod ng TV all-day- Siyempre sa oras ng pasok namin ay may naliliban kaming mga panoorin sa telibisyon kaya babawi na kami sa mga idol namin ngayon. At para makasabay na rin kami sa mga updates ng mga bagong pinag-uusapan sa panahong ito.

4. Gagawa ng takdang-aralin- Siyempre sembreak lang naman at hindi pa rin natatanggal ang pagiging estudyante sa amin kaya bingyan kami ng mga takdang-aralin pa rin na marapat tapusin.

5. Gagala- panahon na rin siguro namin ito para makapag-enjoy sa pamamagitan ng pag-iikot ng pagii-kot hanggang mapagod.

6. Makikipaglaro- siguro bibigyan ko na ng oras ang aking mga pinsan sa paglilibang.

7. Magtitirik ng kandila- siyempre ay bibigyan naming pamilya ng oras ang mga yumao naming mga kamag-anak.

8-10. - Ay hindi ko pa talaga napaplano siguro ay hihintayin ko na lang ang mga bagay na posibleng mangyati sa panahon ng sembreak :)

Huwebes, Oktubre 15, 2015

TSINA: BANSANG KAKAIBA

Bago ang lahat aaminin kong wala talaga akong masyadong alam sa bansang Tsina. Hindi ako gaanong maalam sa kanilang ipnagmamalaking mga lugar kung kaya't huminigi na lamang ako ng tulong sa internet upang maikot ang bansang ito. Hindi ako nagsisi sa aking ginawa dahil napatunayan ko lalo ang ganda ng Tsina, nakita ko ang kanilang kultura sa mga larawang nakapaskil sa internet kaya narito na ngayon ang mga lugar na gustong kong tunguhin 'pag nagkaroon ng pagkakataong makapunta ako ng Tsina:

RAINBOW MOUNTAINS

- Kulay pa lamang, kaakit-akit na at hindi maitatangging dahil sa katangian pa lamang niyang ito ay mahahalina ka ng pumunta. Bundok ito na napakakulay at tila may iba't-ibang hugis ng tuktok ang mga ito.
http://www.chinahighlights.com/travelguide/most-beautiful-places.htm

GREAT WALL OF CHINA

-  Isa ito sa mga gusto kong puntahan dahil makasaysayan itong lugar sa Tsina. At dito nila naipamalas ang kanilang kultura, kagalingan, kahusayan at kakayahan.
http://www.chinahighlights.com/travelguide/china-top-10-attractions.htm

CHENGDU

 -  Gusto kong matungo ito dahil dito matatagpuan ang mga "Giant Pandas" na sinasabi nila. At hindi pa ako nakakakita nito sa buong buhay ko kaya nabibighani ako sa lugar na ito ng bansang Tsina.
http://www.chinahighlights.com/travelguide/china-top-10-attractions.htm

Linggo, Oktubre 11, 2015

J A R G O N S

R rich in beauty 
 y-axis to -x and from reality Y 
A acquires being every time 
 not really perfect but knows how to be in the right form N 

BEST OF THE BEST

We had run a long way
Variant of pessimist they say
Reminiscing yesterday we shared
Understanding scene how we stared

Making better to best 
Nauseous impedent asiding at rest
The best is having rabid friends
Luckily to be present in POLYGON and BOXES.

Unwritten Statute


Everyone are entirely not perfect
Mistakes and failures cannot be escaped
Frequently we go beyond to make everything correct
Sturdy general rule and no one can except
Variant idiosyncrasy each minute to reduplicate passages
Nationwide rhythm of inverse faultlessness
Radically where optimist is manliness
Extended gratitude to one who checked

Sabado, Oktubre 10, 2015

GIRL POWER

Noon, masyadong namamaliit ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan, ngunit sa pag-ikot ng mundo kasabay ng pagbabago, sumabay na rin ang mga babae, natuto silang itayo ang kanilang pangalan at mapantayan ang mga kalalakihan. Isa ang palabas na 'Powerpuff Girls' na nakita kong nagpapakita ng karangalan para sa kababaihan, ito ayproduksiyon ng 'Cartoon Network', ipinapakita lamang sa palabas na ito na hindi laging mga lalaki lamang ang may kakayahan na iligtas ang mundo sa kapahamakan. Sa katunayan, lalaki pa nga ang matinidi nilang kalaban sa nasabing palabas sa katauhan ni 'Mojo Mojo'. Pangunahing karakter naman sina, 'Bubbles', 'Blossom', at 'Buttercup'. Mga batang babae sila na may ibat-ibang katangian  ngunit may iisang layunin na ipagtanggol ang mundo. Si Bubbles ay malapit sa pulang kulay marahil ito ang kaniyang paborito sa lahat habang si Bubbles ay asul at Buttercup sa green. Hindi mang makatotohanang palabas na maituturing indikasyon lamang ito na walang imposible sa sinuman, lahat tayo ay may kakayahang ipagtanggol ang mundo kung tayo'y maniniwala at magtitiwala sa sarili naying kakayahan. At may aral din silang naibabahagi lalo na sa mga bata.
Bubbles (kaliwa), Blossom (gitna), Buttercup (kanan).

KAILAN NAGING LANGGAM ANG IBON

Hapon ng sabado nang utusan ako ng nanay kong bumili ng miryenda. Napakabigat ng aking pakiramdam dahil inistorbo niya ang aking pamamahinga. Papalabas na ako ng pinto nang masalubong ko ang aking pinsang galing sa aming gate, pansin ko rin ang mga ibong nagkukumpulan sa  isang bahagi ng simento at nag-aagawan ng pagkain. Nakaramdam ako ng pagkabigla  ng sumigaw ang aking pinsan, "Langgam, langgam, langgam" nagtataka lamang ako dahil siya ay tuwang-tuwa habang ang mga kamay niya ay nakataas mas lalo akong nagulat ng dumiretso siya sa  mga ibon, sa isip-isip ko lamang, "Naliliitan ba siya sa mga ibon, upang tawagin ito ng Langgam?". At dahil dito, tinanong ko siya, "Kailan naging langgam ang ibon?" kasabay pa nito ang aking pagtawa  ng malakas, "HAHAHAHAHAHA". Ngunit napahiya naman ako sa naging tugon niya, "Bisaya term kasi, Hahaha". Sa pagkakataong ito, nagkaroon ako ng napakaraming kaalaman. Masyado akong naging  mapanghusga. Akala ko kasi nawawala na siya sa sarili niya. Hindi muna kasi ako nagtanong, Hahahaha.

MORAL LESSON: HUWAG AGAD-AGAD MAG-REACT SA ISANG BAGAY, MAGTANONG MUNA PARA SA HULI HINDI IKAW ANG MAGMUKHANG TANGA. HAHAHA

HAYOP KA RIN

Hayop lang kung atin silang ituring, at kahalagahan nila hindi natin napapansin. Sa mga ganitong pagkakataon hindi mo ba naiisip, na hayop ka rin. Huwag natin silang maliitin, ikaw ay kapareho lang nila, sabi nga ng siyensa 'highest form' tayo nila. Ngayon, kung iyong mamantakin diba't ayaw mo rin ng turing sa kanilang binibigyan mong diin? Swerte na siguro kung makahanap ng mabuting amo, ngunit karamihan pa rin hindi maayos ang pagtrato. Mahirap na nga maialis ang ganitong tradisyon, kaya sa iyong pagbabasa umisip na ng solusyon. Sa atin magsisimula ang pagbabago, gusto mo bang mawalan ng sagisag ang bansang iyong sinilangan kung ang nagbibigay turing dito ay iyong pinapaslang?

Linggo, Oktubre 4, 2015

PAPA FERNANDO, MAHAL NG ARISTOPOLO

Teacher's day na naman, panahon na ulit upang bigyan ng makahulugang pasasalamat ang mga guro. KAYA MARAMING SALAMAT PO SA MGA GURONG NABABASA ITONG PASKIL KO. Ngunit bago ang lahat, nais kong bigyang pasasalamat ang pinakaespesyal na guro sa aking buhay. Marinig pa lamang ng mga naging estudyante niya ang pangalan niya ay nagtataasan na ang mga kilay nila, kahit ako rin naman tila umuusok na ang ilong ko 'pag naririnig ko ang matatamis niyang pangalan. Iba kasi siya sa lahat, natatangi siya dahil hindi lang siya naging guro sa amin kundi tumayo rin siya bilang huwarang ama sa aming lahat. Iba kasi yung mga lesson na binigay niya sa amin, mga lesson na hindi namin malilimutan. Hindi lang siya nagpokus sa asignaturang kinabibilangan niya, hindi lang puro Physics, Biology, Chemistry at kung ano-ano pa. Lumayo siya sa mga lesson na dapat lang niyang ituro, he go beyond the limitations ika nga nila. More to life kasi yung mga ibinahagi niya sa akin. Tuwing tatayo nga siya sa harapan parang hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan dahil paniguradong may hatid surpresa na naman siya- kakaibang surpresa, lalo na yung on the spot jackpot niya na pamatay. Pero sa lahat ng ito, hindi pa rin matatawaran yung pagmamahal na ibinigay niya sa amin! Kaya nga grabe na lang yung iyak namin noong magtatapos na ang aming taon sa mga kamay niya. Sa totoo lang, naiinggit na nga ako sa mga bagong hawak niya kasi siya yung magiging tatay nila kaya napakaswerte talaga nila. Si Sir Fernando Timbal ang aking ibnibida, habang-buhay ko siyang ipagmamalaki sa bawat taong makikilala ko araw-araw! Sana mabasa niya ito. Mahal ka namin Sir. Hindi ka namin malilimutan- sinabi mo yan eh, hahahahahaha "Dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako malilimutan ng mga nahawakan kong estudyante. Una, natuwa sila sa akin dahil naging mabuting guro ako sa kanila, pangalawa, ay kinamuhian nila ako dahil sa pagiging masungit ko sa kanila". Isa lang naman yan Sir, it's just a matter of acceptance and appreciation because there is always two sides between each story- the good and the bad, but bad can be good if we see it happily and vice versa. Kung ako ang tatanungin siguro maaalala ka namin Sir sa dalawang dahilang sinabi mo. Tinanggap ka kasi namin sa kung ano ka kaya lahat ng masasama sa'yo (wala naman) tinanggap namin ng mabuti, idol ka namin eh, bilang isang tatay, guro at bilang ikaw. Sana hindi ka magpagod magmahal at magmahal ng magmahal kagaya ng ginagawa mo ngayon. Tsaka Sir mahanap mo na sana yung taong mamahalin mo habang-buhay para sumaya ka pa lalo at 'pag masaya ka, masaya din kaming mga anak mo. Alam ko namang kuntento ka na sa aming mga anak mo pero syempre iba parin tatay yung may katuwang, diba? Hahahahahaha Mahal ka namin TATAY. God Bless! Mwuapssszxc! :)

SANAYSAY KO PARA SA'YO

Bawat isa sa atin ay hindi perpekto, may mga tao pa ring madalas magkamali sa pagsasalita o pagsusulat man na paraan. Dalawa kasi ang uri ng katangian ng bawat tao: maingay at tahimik.

Madalas sa mga maiingay ay puro salita, maganda rin ito dahil direkta mong nasasabi ang iyong opinyon sa isang paksa kasama ang iyong emosyon sa pamamagitan ng iyong mga ekspresyon. At agaran mo rin naman nalalaman ang opinyon ng iyong kausap.

Karaniwan naman sa mga tahimik ay hindi nagsasalita. Kaya napakahalaga ng sanaysay sa kanila. Dito kasi madalas ang gawi nila upang makapagpahayag ng saloobin o opinyon sa isang bagay. Sa pamamaraang ito ay marahil nakapagpapagaan ng kanilang kalooban. Sa kabilang dako, may mga tao rin namang mas mahilig magbasa kaysa makinig. Ang pagsulat din ng sanaysay ay isa sa mabilis na paraan upang mas maraming tao ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong pinapaksa. Katulad dito sa Social Media sites ay ilang pindot lang sa keyboard at isang click ng 'post' marami ng makababasa na mas maganda kung ikukumpara sa pasalita. Hindi mo rin naman siguro gugustuhing isa-isahin ang bawat tao upang pahayagan lamang ng iyong opinyon. Wala namang pangit na nagagawang sanasay ang bawat susmusulat nito. Kaya marahil ay natin bigyan-halaga o pagrespeto ang baawat isa sa kanila. Tayo ay hindi perpekto. Nagkakamali man minsan, hindi rin naman nila ito kagustuhan. Sa bawat typographical errors, wrong spellings atbp. ay hindi naman siguro sapat na dahilan upang tumigil na sa pagsusulat dahil minsan ay dala lang ito ng 'di magandang pagkakataon.

Kaya ngayon, gumawa ka na ng sanaysay at babasahin ko. Ngunit sa pamamaraang man ito o pasalita ay mabuti na rin ang maging maingat sa pagbibigay ng kuro-kuro. Lagi mong tatandaan na dapat ay wala kang natatapakan na tao.

KULANG SA PANSIN

Bilang bahagi ng lipunan, Sapat na nga ba ang karapatang natatamasa ng kababaihan? Kung sa iyo ko ibabato ang tanong na ito, paano mo sasaluhin at bibigyang reaksyion?

Para sa akin, sapat na ang mga karapatang natatamasa ng mga kababaihan sa kasalukuyan lalo na't kung ikukumpara sa nakaraan, dahil sa aking nakikita'y nakakaya ng makipagsabayan ng mga babae sa kalalakihan sa iba't-ibang bagay. May mga pagkakataon pa ngang mas nangingibabaw sila (mga babae), tulad na lamang ng isa sa mga naging lider ng ating bansa na si dating Pangulong Cory Aquino- indikasyon lamang ito na nakakaya rin ng mga babae kung ano ang nakakaya ng mga lalaki, at nagagawa na rin ng mga babae ang mga nais nila.

Ngunit sa kabilang banda, hindi lang nagmumukhang sapat ang kanilang karapatan dahil sa kawalan ng kalayaang kanilang pinagdaraanan. Dahil ayon sa aking nakikita, may mga babaeng  pa ring nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang mga asawa, may mga pagkakataon namang paghihigpit ng kanilang mga kinakasama base sa kulturang katutubo. At ang mga ito ay nagsasanhi ng kawawalan nila ng kalayaang maranasan ang kanilang mga karapatan.

Sa paglalahat, hindi karapatan ang nawawala kundi kalayaan ng mga kababaihan upang matamasa ito.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

THANK YOU, POOOOO

Gratitude makes sense. When I was a kid, I am really not fond of saying 'thank you' for those people who helped me, specially to my Mama who had given me everything that I want to fulfill my happiness, like toys. And but not in my mind track that it always went of breaking. Then one day, a family of scavengers walking through our street and obviously looking for some collectibles saw our trash bins outside our home and went near to it with their child running and me bothered for it is very unusual, but I've found it out when he grabbed my broken toy and hold it too tightly celebrating and very happy. And me was like, "okay, whatever!". But when they are about to go I heard something that makes me feel so very special, the child shouting, "SALAMAT!" with joy on his face and still clung onto my toy. In this scenario, I realize to have value on things even they're too little because they are the one who makes a thing big. And most specially to give gratitude to someone who completed you because it may be the only thing you can give into return. So, I always now tell my Mama, "Maraming Salamat!" with full of my heart even in a joke way. :')))))))))

BANGUNGOT NG NAKARAAN

Ang tagal na rin noong huling pagkikita natin, ang dami ng nagbago sa iyo- mga magagandang pagbabago- naging iba ka na, iba na rin siguro ang tinitibok ng puso mo, parang hindi na nga kita makilala nang muli kitang masilayan. Sobrang layo na ng nakaraan natin, hindi ko na nga maalala kung kailang tayo huling nagtagpo, marahil sa labis na nga ang nagtagal. Hindi ko na rin tanda ang mga pangyayari kung paano mo kinuha ang loob ko at pinaibig ang puso ko, at kung paano mo binigyang-kahulugan ang salitang pagmamahal sa isip ko.

Nakalimutan ko na ang lahat, kinalimutan ko na ang lahat at binalewala ang nakaraan, ngunit ang hapdi at sakit na dumurog sa akin noon ay muli kong nadarama nang makita kita mismo sa aking harapan. Akala ko wala na akong pakialam, meron pa pala. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na, akala ko limot ko na, AKALA KO LANG PALA.